GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, January 17, 2008

Jun Lalin
Abante Tonite


I stand corrected. Hindi tuloy ang birthday celebration ni Richard Gu­tierrez sa SOP sa Linggo.Nasa Cebu kasi si Richard para sa Sinulog Festival. Bale may show roon ang tropa ng Kamandag at importanteng nandoon ang binata, kaya absent muna siya sa SOP on that day.Malamang, si Raymond Gutierrez na lang ang may birthday celebration sa SOP at maging sa Showbiz Central.Anyway, karamihan sa mga tagahanga ni Richar­d na pupunta sana sa SOP sa Linggo ay pupunta na lang sa Cebu para sa show roon ng Kamandag. May ibang members kasi ng Richard Gutierrez Global Fan Club ang galing pa sa Amerika at umuwi ng Pilipinas para makasama ang kanilang idolo sa birthday celebration nito sa SOP. Dahil nasa Cebu nga ang binata, doon na lang daw sila pupunta. Karamihan sa members ng RGGFC ay maka-Jewel Misch dahil gustung-gusto nila ang tambalang Richard-Jewel sa Kamandag, pero nangako sila na susuportahan ang pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend na pinagtatambalan ng kanilang idolo at ni Marian Rivera. Cute daw ang teaser-plug ng Valentine movie nina Richard at Marian, kaya kahit ‘yung mga tagahanga ng tambalang Richard-Jewel, Richard-Maxene Magalona, Richard-Angel Locsin (yes, nakasuporta pa rin sila hanggang ngayon sa binata) ay nangakong manonood ng My Bestfriend’s Girlfriend.

No comments: