GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, January 27, 2008

Sikreto ni Richard, binuking ng mga girls!

Jun Nardo


Handsome Journey ang birthday TV special na ini­hahanda ng GMA 7 para sa Primetime King na si Richard Gutierrez.

Wala pa kaming detalye kung sinu-sino ang special guests ng aktor sa special niyang ito pero sa February 3 na ito mapapanood.

Basta ang nakuha naming detalye, kinukunan na ng VTR ang mga artistang naging bahagi sa buhay-showbiz ni Richard upang bumati.

Balita ko nga, mara­ming sikreto na ibinu­king ang mga girls kay Richard, ha! At `yun ang dapat nating abangan.

Tandang-tanda pa namin si Richard nang makasama ni Allan K at ng Sex Bomb Girls sa pelikulang Bakit Papa?

Mahiyain pa siya’t kapag shooting break, nasa loob lang siya ng kanyang van. Si Chynna Ortaleza pa ang kanyang ka-loveteam that time.

Pero heto’t, bankable TV and movie star na ngayon si Richard, huh! Bukod sa regular series na Kamandag, aba, siya pa rin ang pambato ng GMA Films sa Valentine movie nila ni Marian na My Best Friend’s Girlfriend!

No comments: