GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, January 22, 2008

Marian at Richard nag-motel



NAKITANG pumasok sa Victoria Court sa Roxas Blvd., branch sina Marian Rivera at Richard Gutierrez at matagal sila sa loob. Pero, walang dapat ikabahala ang kani-kanyang manager at hindi nag-check-in ang dalawa. Doon kinunan ang stag party scene ng My Bestfriend’s Wedding, kung saan lumabas sa cake si Grace (Marian) at first time silang nagtagpo ni Evo (Richard).

Sa eksena rin mapapanood ang “cake dance” ng actress.

Ang nasabing eksena ay isa sa mga highlight ng pelikulang showing sa February 13 at may premiere night sa Feb. 10.

Tapos na ang shooting at nasa post-production na ito. Sa sipag nga nina Marian at Richard, after the presscon, dumiretso sa dubbing ang dalaga at ang actor nama’y sa taping ng Kamandag.

Napansin pala ng press ang pagngiwi ni Richard sa inamin ni Marian na nakakatakot ma-in love sa kanya’t sobra siyang guwapo.

Saka, pareho silang busy para magkainlaban, pero habang sinasabi niya ’yun, nakapatong sa tuhod niya ang kanang kamay ng actor.

* * *

SA Showbiz Central last Sunday, formal na in-announce ang pagkapili kay Raymond Gutierrez na host ng Pinoy Idol.

Magandang birthday gift sa kanya ang bagong trabaho. Magaling si Raymond at keri niyang mag-host ng PI, pero ang request ng Kapuso viewers, makihalubilo siya sa masa at alisin na ang kanyang sosi image.

Maraming interviews ang ipinalabas ng SC at isa sa tumatak sa amin ay ang ibinalita ni Rolly Concepcion na uuwi next month sina Gabby at ang asawa niya with their baby girl.

Dito raw gustong pabinyagan ng dalawa si Samantha Alexis at para gawin na ang movie sa GMA Films.

Akala ba namin, hindi puwedeng bumalik ng ’Pinas ang actor?

May feature rin sa wedding nina Mabelyn dela Cruz at Michael Fernandez at may exclusive interview kay Nicole Anderson. Ipinagtanggol nito si Bianca King at itinangging boyfriend niya si Jeremy Marquez.

Nagpakatotoo naman si Isabel Oli nang amining natuwa siya nang palitan ni Nadine Samonte si Jennylyn Mercado sa Maging Akin Ka Lamang. Mas close raw siya sa una kesa sa huli at mas nakakausap niya ito.

Ang hindi lang namin gusto ay ang pagdi-deny nila ni Polo Ravales sa paninita ng boyfriend niyang si Paolo Contis sa actor.

’Kaloka ha, may “connivance!”

No comments: