GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, January 23, 2008

Jun Lalin
Abante Tonite
January 23,2008


Napuno ng mga taga-showbiz ang Cebu City last weekend dahil sa Sinulog Festival. May mga artista ng ABS-CBN 2 at may mga taga-GMA 7 din.Kuwento sa akin ni Jimmy Aguilera (P.A. ni Annabelle Rama), aksidenteng nagkita sa isang bar doon sina Richard Gu­tierrez at KC Concepcion. Kinilig si Jimmy nang magbatian sina Richard at KC.
Nagtaka si Jimmy nang tanging si Michelle Madrigal lang ang hindi batiin ni Pauleen Luna sa grupo nila nang makita nila ang Eat Bulaga mainstay sa lobby ng Waterfront Hotel.
Deadma rin daw si Michelle kay Pauleen.Sa pagkakaalam ni Jimmy, parehong ex-girlfriend ni JC de Vera sina Michelle at Pauleen.
Next weekend ay ang Iloilo naman ang dadayuhin ng mga taga-showbiz.
~~~~~~~~~
Working birthday noong Lunes para kay Richard Gutier­rez dahil nag-taping siya ng Kamandag.
Hanggang before midnight lang ang taping ng Kamandag kaya nagdesisyon si Richard na magpa-party para sa cast and staff ng kanyang ‘ahaserye’.Ginanap ang biglaang party sa isang restaurant sa Quezon City. Pati ang ibang cast ng Kamandag na hindi kasama sa taping that day ay nagpunta sa big­laang party ni Richard.Ang kakambal ni Ri­chard na si Raymond ay nagkaroon ng birthday dinner kasama ang ilang kaibigan.
Sa Linggo, may birthday celebration sina Richard at Raymond sa SOP

No comments: