GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, January 18, 2008

Richard, alam ang mga lihim ni Marian
ni: Allan Diones

Si Mother Lily Monteverde ang una naming hiningan ng quotable-quote tungkol sa mga bida ng My Best Friend’s Girlfriend aka BFGF (dating A Very Special Love) na sina Richard Gutierrez at Marian Rivera, sa presscon ng pelikula kamakalawa nang gabi sa 17th floor ng GMA Network building.


Tuwing Pebrero kasi ay nagko-co-prod ang Regal Entertainment at GMA Films para sa isang Valentine movie.
Sa nakalipas na tatlong taon ay pawang si Richard Gutierrez ang bida rito katambal si Angel Locsin: The Promise (2007), I Will Always Love You (2006) at Let the Love Begin (2005) na puro blockbusters.


Naniniwala ba si Mother na meron ding chemistry sina Richard at Marian na kagaya ng tambalang Richard-Angel noon?
“I think this is the best team! The way I see it, it’s better than the Richard-Angel team-up. They’re really the best!” buong ningning na bulalas ng Regal matriarch.
Dagdag pa ni Mother, “I think the two of them, Richard and Marian, magkamukha sila. Isang guwapo at isang guwapa, di ba?”


Ano naman kayang pakiramdam ngayon ni Richard na after three years na si Angel ang kapareha niya, ngayon ay si Marian na?
RICHARD: It’s refreshing for me to have a new partner and si Marian pa ‘yung naka-partner ko. Nagkasundo kaagad kami, sa simula pa lang nu’ng shooting. Ngayon, I consider her as a good friend of mine.
Iba talaga ‘yung pelikula namin. Iba ‘yung chemistry namin ni Ma­rian, maganda ‘yung rapport namin onscreen at mag-e-enjoy kayo sa a­ming dalawa rito!
Naniniwala ba si Ri­chard sa sinabi ni Mother na ‘better partner’ daw si Marian kesa kay Angel?


“Umayos ka!” pabirong hirit ni Marian sa katabing si Richard, sabay tawa.
RICHARD: It’s new, it’s refreshing, so it’s good, di ba? Iba, iba siya. Pero masasabi kong si Marian, ‘yung acting range niya, from comedy to drama, talagang magaling siya. Magaling siya, promise!
Ano namang masasabi ni Marian sa papuring ‘yon sa kanya nina Mother at Richard?


MARIAN: Thank you po kung gano’n. Pero kasi po, sa bawat trabaho na ginagawa ko, lahat binibigyan ko ng atensyon at lahat ginagawa ko para mapaganda siya.
So, hindi lang ‘yung basta umaarte lang ako. Lagi kong sinasabi na lagi kong pinagbubuti ‘yung ginagawa ko sa kahit na anong trabahong ibigay sa akin.
‘Yung tatlong nakaraang Valentine films nina Ri­chard-Angel ay panay kumita sa takilya. Kaya niya bang talbugan ‘yon?


MARIAN: Ipagdarasal ko po ‘yan! Ha! Ha! Ha!
So, anong masasabi nila sa isa’t isa ngayong first time nilang nagkatrabaho?
MARIAN: Bago pa po ako mag-Marimar, pinapansin na niya ako, so hindi siya suplado sa akin. Tapos, habang nagtatagal ‘yung shooting namin, sobra siyang maalalahanin.


‘Yung tipong, ‘Kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin?’ Lagi siyang gano’n sa araw-araw na shooting namin.
Lagi siyang nagtatanong kung anong gusto kong kainin. Hanggang hindi ka niya nakikita na okey ka, na busog ka, hindi ka talaga niya tatantanan!


RICHARD: Hindi ko ine-expect kay Marian na sobrang saya pala niyang kasama sa set at enjoy kaming dalawa ‘pag nagtatrabaho kami.
Ang taas ng energy level niya! Kahit talagang puyat na puyat na kami, kumukuha kami ng energy sa kanya, kasi ang taas ng energy niya at ang sarap niyang katrabaho.


Itsura ng Kamandag meets Marimar ang tambalan nila sa pelikula. Puwede ba itong masundan sa TV, tulad ng napapabalitang napi­pinto nilang pagsasama sa Captain Barbell Meets Darna?
RICHARD: Bakit naman hindi, di ba? Siyempre gusto ko! Pero personally, I wanna take it one step at a time. Focus muna sa pelikula ngayon na may kanya-kanya pa kaming shows na umeere sa TV.
So, focus muna sa movie. But in the future, why not di ba? Siyempre, I would love to work with Marian again.


***
Ayon sa direktor ng BFGF na si Direk Mark Reyes ay maraming kissing scenes sina Richard-Marian sa nasabing feel-good Valentine movie.
RICHARD: Marami kaming kissing scenes. ‘Yung isa, take 8 yata. Magpa-Pasko no’n, kaya sabi ko, ‘Direk, ako ang bahala sa ‘yo!’ Hindi… joke lang! Ha! Ha! Ha!
Actually, lahat ng secrets ni Marian, alam ko na…


MARIAN: Lahat din ng secrets niya, alam ko!
Ano bang first impression niya kay Richard?
MARIAN: Lagi kong sinasabi sa interviews ko na umpisa pa lang, hindi pa ako nagiging Marimar, nanay pa lang ‘yung role ko, pinapansin na ako ni Chard sa SOP na, ‘Hi, Marian!’


RICHARD: Lagi kong binabati ang kagandahan ni Marian…
MARIAN: Oo, bolero ka kasi, eh! Etchusera ka! Ha! Ha! Ha! Alam n’yo po ‘yon? Lagi niyang sinasabi na, ‘Uy, Marian, gumaganda ka!’


To think na mother role po ‘yung ginagampanan ko no’n! So, noon pa lang, na-realize ko na sa sarili kong hindi siya suplado. Siyempre, Ri­chard Gutierrez siya, iba talaga siya…


Pero hindi niya pinaramdam sa akin na siya si Ri­chard Gutierrez. Parang binaba niya ‘yung sarili niya para sa akin. So, hindi siya mahirap pakisamahan.
Ibig sabihin, kahit noon pa ay ‘pinagtatangkaan’ na siya ni Richard dahil napapansin na nito ang ganda niya?


MARIAN: Umamin ka na, Chard!


RICHARD: Lagi ko ngang napapansin ‘yung kagandahan ni Marian at lagi ko siyang binabati sa kanyang kagandahan ‘pag nakikita ko siya. Stunning naman kasi si Marian para sa akin, especially her eyes…


Posible ba na sa kaguwapuhan na ‘yon ni Richard ay mainlab si Marian?
MARIAN: Actually, alam ni Richard na hindi ako tumitingin more on sa itsura, eh! Alam niya ‘yon, kasi naging open din kami sa isa’t isa sa mga bon­ding namin.
So, alam niya ‘yung mga gusto ko sa isang lalake… pero siyempre, sino ba namang hindi magkakagusto kay Richard Gutierrez?!


Alam namin na ang isa sa leading ladies ni Richard sa Kamandag na si Jewel Mische ay pinasasakay ng binata sa kotse niya. Si Marian ba ay nakasakay na sa kanyang brand-new Porsche Cayenne SUV?


RICHARD: Actually, siya ang unang nakasakay doon nu’ng tine-test drive ko pa lang. Nu’ng tinest drive ko sa shooting, pinapunta ko ‘yung kotse roon, si Ma­rian ang unang nakasakay sa kotse ko. Bago lang ‘yung car ko na ‘yon, tinreyd-in ko ‘yung dati kong kotse.


So, anong feeling ni Marian na siya pala ang unang girl na isinakay ni Chard sa bagong bili nito (sa ha­lagang P7M daw) na luxury car?
MARIAN: Actually, nu’ng nakita ko ‘yon, sabi niya, ‘Halika rito, tingnan mo ‘yung kotse, ang ganda!’ So, tiningnan ko. Nu’ng sumakay na ako, siyem­pre ang ganda! Na-amaze ako dahil sobrang kakaiba talaga siya at sobrang ganda!


***
Ang alam ng lahat ay single nga­yon si Ri­chard, kaya wa­lang ma­gagalit sakaling ma-link man ito kay Marian. Kay Ma­rian ba ay wala ring magagalit?


MARIAN: Wala po at alam ‘yon ni Chard! Sobrang naging open po kami ni Chard sa isa’t isa kaya maganda po ‘yung bonding namin.


At habang ginagawa namin ‘tong pelikula, sobrang lahat okey. Kasi, umpisa pa lang, naging honest na kami sa isa’t isa.


Pero bakit may isyu na inamin niya raw na may special someone siya ngayon?


MARIAN: Hindi ko po inamin na meron, pero ina­amin ko po na lumalabas po ako…
So, totoo bang nagkaba­likan sila ng ex-boyfriend niyang basketball player ng La Salle na si John Ervic Vijandre?


MARIAN: Actually, hindi naman nagkaba­likan, pero nandu’n pa rin ‘yung time na nagti-textan kaming dalawa.


Hindi kaya nagka­balikan na sila kaya lumalabas na ulit sila ni Ervic?
MARIAN: Actually, lumalabas po kami, pero hindi lang din naman po sa kanya (ako nakikipag-date). So, wala po akong nakikitang masama. Okey naman po akong lumabas dahil single naman po ako.


Posible ba na magkaroon siya ng showbiz boyfriend?


MARIAN: Actually, lagi ko pong sinasabi na ayoko pong pangunahan ‘yung mga bagay-bagay. Kung darating po na magkakaroon ako ng boyfriend na taga-showbiz, darating. Kung hindi, hindi po. So, hintayin na lang po natin kung magkakaroon ako ng showbiz o non-showbiz boyfriend.


Ano naman kayang pag-asa ni Richard sakaling pormahan siya nito?


MARIAN: Siguro po, naniniwala ako na mas maganda na maging mas mabuting magkaibigan kami bago sumunod ‘yung iba pa. Alam n’yo po ‘yon?
Mas maganda na ‘yung kaibigan muna, kesa ‘yung instant boyfriend-girlfriend, na pagkatapos ng ilang days, hindi na magkasundo! Ayoko po ng gano’n. Kasi, kung papasok ako sa isang relasyon, gusto ko po, pangmatagalan.
Sabi niya, alam na nila ang sikreto ng isa’t isa. Hindi pa ba enough ‘yung bonding nilang ‘yon?


MARIAN: Hindi pa po sapat ‘yon dahil maiksing panahon pa lang po kaming magkasama.


Kung last year ay binigyan ni Richard ng hikaw si Angel nu’ng Valentine’s, ano namang balak niyang ibigay kay Marian sa Araw ng mga Puso?


RICHARD: Pagmamahal at saka pag-aalaga at saka maraming pagkain. Kasi, ‘yun ang isang common bond namin ni Marian, eh! Mahilig kaming dalawa sa pagkain! Ha! Ha! Ha!

No comments: