GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, January 28, 2008

Jojo Gabinete
Abante Online


Sa lahat ng ina, kakaiba si Annabelle Rama dahil imbes na malungkot, natutuwa pa siya dahil hindi nagmana sa kanya ang mga anak nila ni Eddie Guteirrez.
Sa birthday celebration kahapon sa SOP nina Raymond at Richard, sinabi ni Annabelle na ipinagmamalaki niya ang mga achievement ng kanyang mga anak.
Natutuwa raw siya dahil lumaki na matatalino ang mga anak niya at hindi nagmana sa kanya. Maga­ling magsalita ng English ang kanyang mga anak at hindi tulad niya na hindi nakapag-aral noong araw.
Dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman, nalimutan ni Annabelle na i-plug ang My Funny Valentine, ang pre-Valentine concert na pinrodyus niya na mapapanood sa February 8 sa Crowne Plaza Hotel.
Hinihintay lang ni Annabelle na matapos ang concert nina Ai Ai delas Alas, Ogie Alcasid, Vernie Varga at Diana Zubiri bago sila pumunta sa Amerika ng kanyang asawang si Eddie Gutierrez.
Panonoorin nina Annabelle at Eddie ang laban sa March 2008 nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.
Ipinangako ni Annabelle sa sarili na hinding-hindi na siya pupusta ng “knock-out” sa nabanggit na laban dahil malaki ang natalo sa kanya nang tumaya siya sa huling laban ni Manny kay Marco Antonio Barrera noong October 2007.

No comments: