GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, January 18, 2008

Richard at Marian, sangkatutak ang tukaan!
By: Dondon Sermino, Jan 18, 2008

HINDI nga nagsasawa si Marian Rivera na lumabas mula sa giant cake na ginawa para sa kanya. Ginawa na niya `yon sa SOP at sa presscon ng pelikula nilang My Bestfriend’s Girlfriend ng GMA Films at Regal Entertainment last Wednesday night, muli na namang lumabas si Marian sa giant cake, matapos ipakilala ni Richard Gutierrez sa harap ng entertainment press.


Present din sina Annette Abrogar at Mother Lily Monterverde sa presscon na `yon. At sa simula pa lang ng tanungan ay matinding pressure na agad ang ibinigay sa balikat nina Richard at Marian.


Eh kasi nga, ilang taon na ring may pelikula si Richard, tuwing araw ng mga puso, kasama si Angel Locsin. At lahat ng pelikula na pinagbidahan nina Angel at Richard ay kumita nang husto sa takilya.


Sa pananaw ni Mother Lily, malayung-malayo ang tambalan nina Richard at Marian sa naging tambalan noon nina Richard at Angel.


“I think, this is the best team,” sabi pa ni Mother, na sinundan pa niya na kung ikukumpara ang tambalan nina Marian at Richard sa tambalan nina Angel at Richard, mas ‘better’ daw ang kina Marian at Richard.


Sa kaso ni Richard, bagamat sanay na siya na puro si Angel ang nakakasama niya tuwing ganitong panahon, kakaiba naman daw ang experience niya sa pi­ling ni Marian.


“It’s refreshing to have a new partner, at si Marian pa ang nakasama ko. Sa simula pa lang ng shooting namin, kinu-consider ko na siyang good friend of mine.


“Iba ang chemistry namin ni Marian. Maganda ang rapport namin on screen. Magi-enjoy talaga kayo sa amin,” sabi ni Richard.


Naniniwala ba si Richard na mas maganda ang tambalan nila ni Marian sa tambalan nila ni Angel?


“It’s new. ‘Yung acting ni Marian, from comedy to drama, magaling siya,” sabi ni Richard, na nagpaka-gentleman talagag dahil ayaw niyang magkomento sa kung sino ang mas ‘better’ partner, kung si Marian ba o si Angel.


Idinadaan naman ni Marian sa dasal ang magiging tagumpay ng pelikula nila ni Richard. At sabi nga, hindi naman kataka-taka `yon, na maging matagumpay ang unang pelikula nila, dahil ang mga teleserye na pinagbibidahan nila, ang Marimar at Kamandag, ay parehong mataas ang ra­tings.


At sundot pa ni Mother Lily, hindi kataka-taka na maging matagumpay ang My Bestfriend’s Girlfriend, dahil magkamukha raw sina Marian at Richard, na parehong guwapo at guwapa, at malaking bentahe raw `yon para tangkilikin sila ng mga manonood.


Siyempre, hindi makukumpleto ang panonood ng mga fans kina Richard at Marian kung hindi sila maghahalikan. Ipinagmayabang nga ni direk Mark Reyes na sa sangkatutak na tukaan o kissing scenes pa lang ng dalawa ay makukuntento na ang mga tagahanga nila. May tukaan daw ang dalawa sa ulan, sa kuwarto at kung saan-saan.

No comments: