GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, January 18, 2008

Insidente sa Embassy, misunderstanding lang — Richard
By: Nitz Miralles



Sa cake lumabas si Marian Rivera sa first presscon ng My Bestfriend’s Girlfriend o BFGF at si Richard Gutierrez pa mismo ang nagbukas ng cake.
Showing sa February 13 ang movie at Valentine’s Day presentation ng Regal at GMA Films sa direksyon ni Mark Reyes.
Ang Shamrock ang kumanta ng theme song na All I Need.
Puno ng one-liners ang presscon at pati si Mother Lily Monteverde’y humirit ng “I think this is better than any Richard-Angel (Locsin) team-up.”
Friends na sina Marian at Richard, kaya ’di naging mahirap sa kanila ang magtrabaho at nag-bonding din sila dahil parehong mahilig kumain.
Favorite nilang pagsaluhan ang Spinach dip from Cibo, manggang hilaw at chicken inasal.
Parehong may intriga sa dalawang bida na kanilang nilinaw. Ayon kay Richard, misunderstanding lang ang nabalitang pambubugbog niya sa isang Australian sa The Embassy kamakailan.
As for Marian, binati raw niya ang empleyado ng isang publication after her pictorial at ’di totoong umalis siya nang ’di man lang namansin.
After the presscon, hinabol namin sa baba ng GMA Network ang bagong green Porsche Cayenne ni Richard, pero ’di na namin nakita.
Worth P7 million daw at ang unang isinakay ng actor ay si Marian.
Sabi ng mommy niyang si Annabelle Rama, ang car yata ang Christmas at birthday gift ni Richard sa sarili’t wala siyang party at simpleng dinner with his family lang ang plano niya sa birthday nila ng kakambal na si Raymond sa January 21.
Wish nitong makasama si Marian at ang hinihingi nitong birthday gift ay ipagluto siya ng sinigang, na specialty ng kapareha.

No comments: