GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, January 28, 2008

Richard at Maxene, parang Eddie at Susan

By: Ernie Enrile


Mismo



MARAMING viewers ang kinikilig sa tandem nina Richard Gutierrez at Maxene Magalona sa Kamandag. May chemistry ang dalawang bagets at bagay sila sa isa’t isa. Ang obserbasyon nga ng ibang mga magulang na sumusubaybay gabi-gabi sa said fantaserye, parang modern-day loveteam na Susan Roces at Eddie Gutierrez ang dalawang young stars. Ang namanang kakisigan ni Richard sa ama ay nagku-compliment sa sweetness and refreshing beauty ni Maxene, na kalabisan nang sabihing minana niya sa kanyang mga magulang, sina Francis M. at Pia Arroyo. Parehong may dugong artista sina Maxene at Richard, partikular sa panig ng dalaga, since mga award-winning actor and actress ang lolo at lola niya, at sikat nu’ng panahon nila sina Pancho Magalona at Tita Duran. Kahit nga raw ni-repackage ng Kapuso bilang loveteam sina Maxene at Richard, tiyak an kakagatin ng viewers. ’Di naman kailangan ang totoong ligawan sa kaso ng dalawa, dahil kung may mga nali-link na iba’t ibang young actress kay Richard, si Maxene naman ay aminadong may non-showbiz boyfriend.

No comments: