GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, January 16, 2008

Richard, Jewel mag-MU na

Cut!

HINDI na raw maitatago ang sweetness nina Richard Gutierrez at Jewel Mische habang nagti-taping ng Kamandag. Sabi ng staff na nakausap namin, pag walang take ang dalawa ay madalas silang nag-uusap sa isang tabi.

Tapos nang kunan ang kissing scene nina Richard at isa pang leading lady ng actor na si Maxene Magalona ay nagbantay talaga si Jewel. Ano ’yon, tanda ng selos?

Bukod pa rito, madalas din silang nakikita na magkasama pagkatapos ng taping para kumain sa labas.

Feeling ng kausap namin, mag-MU or may mutual understanding na ang dalawa. Iba raw kasi talaga ang closeness nila sa set.

No comments: