GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, January 17, 2008

Jun Nardo
Abante Online
January 17, 2008


Patuloy ang pakikipag­laban ni Vergel/Kamandag (Richard Gutierrez) sa kampon ng kasamaan ngayong gabi sa Kamandag.


Sa tulong nina Isisir at Ikoy, makikipagbanatan si Kamandag kina Agol at Rufo.


Ang pangkat naman nina Adlak at Haring Budog ay makikipagtunggali sa pangkat ng Reyna. Habang nagla­laban ang magkalabang grupo, tatakas si Alicia (Eula Valdez) patu­ngo sa ibabaw pero masasaksak siya ni Reyna Kuran!


Sa pagbalik ni Vergel sa San Isidro upang iligtas ang ina, sasagupain naman niya ang pangkat ni Reyna Kuran!


Ilan lang ‘yan sa walang patid na eksenang maaaksyon at madamdamin sa Kamandag, tonight after Zaido sa GMA!

No comments: