GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, January 8, 2008

MARIAN AT RICHARD, NAGSUBUAN


Ni: Jun Lalin

Kausap ko si Ruffa Gutierrez kahapon at naikuwento niyang magkasama sila ng mommy niyang si Annabelle Rama na nanood ng Despe­radas noong Linggo sa Power Plant Mall.
Dapat daw ay kasama nila si Rufa Mae Quinto, pero biglang may iba raw itong lakad, kaya sila na lang ni Bisaya, her bro­ther Raymond Gutierrez, and some friends ang nanood.


Hindi rin daw nakasama sa kanila si Ri­chard Gutierrez dahil nasa Su­bic ito kasama si Marian Rivera at nagsu-shooting ng Valentine movie ng GMA Films/Regal Entertainment, Inc. na A Very Special Love.


Masaya raw sana kung kasama rin nila sa pa­nonood sina Richard at Marian.
Speaking of Richard and Marian, totoo bang sinita ni Ruffa si Marian during the pa­rade tungkol sa balitang nagsusubuan ito at ang kanyang kapatid ng chocolates sa shooting?


“I didn’t make sita naman. Tinanong ko lang si Ma­rian kung totoo ba, and medyo kilig pa nga siya nang aminin niya ‘yon sa akin.


“Sabi ko naman kay Marian, bakit noong shooting namin ng Desperadas, ni hindi niya ako binigyan ng chocolates?


“Tawa lang nang tawa si Marian,” sey ni Ruffa.
Teka! Kinikilig din ba siya sa tambalang Richard-Marian?
“I can’t say naman na kinikilig ako. I find their team-up, cute. Ang cute ng dating nilang dalawa at cute din ang mga kuwento tungkol sa closeness nila sa set ng pelikulang ginagawa nila,” sabi ni Ruffa.


As much as possible ay hindi nakikialam si Ruffa sa lovelife ng kanyang kapatid, kaya hindi niya tinatanong si Richard kung may girlfriend ito ngayon.
Anyway, naikuwento sa akin ni Ruffa na may plano si Mother Lily Monteverde na gawan ng part two ang Desperadas.


“Masaya si Mother Lily. Tuwang-tuwa siya. Gusto ni Mother Lily na simulan na namin ‘yung part 2 ng Desperadas at ipalalabas daw niya sa MMFF-P 2008.


“Excited din ako. Si­guro this time, lalo pang masaya sa set dahil mas close pa kami ngayon nina P-chi, Marian at Iza (Calzado).


“Siguro mas kuwela pa ‘yung movie kung magkakaroon nga talaga ng part 2,” sey ni Ruffa.
Anyway, mauunang gawin ni Ruffa ‘yung Monster Mom nila ng mommy niya.

No comments: