GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, January 30, 2008

‘Lobo,’ nagapi ng ‘Kamandag’!


BUKOD sa curiosity sa pagbabalik-telebisyon ni Angel Locsin sa bagong home studio na ABS-CBN 2, ang isa pang inabangan ng karamihan ay ang resulta ng showdown ng comeback vehicle niyang Lobo (opposite Piolo Pascual) at ng Kamandag ng ex-screen partner na si Richard Gutierrez sa GMA-7. Sa natanggap naming ratings data ng katatapos na banggaang “Gr8 January 28, 2008” ng Dos at “Fortified Telebabad Block” ng Siyete, nagapi ng Kamandag ang dapat sana’y mabangis na Lobo by 5.4 points sa rating na 33.1 percent as against 27.7. Ganito rin ang naging kapalaran ng dalawa pang ABS shows na kasabay nitong nag-pilot nu’ng Lunes ng gabi. Hindi umubra ang Kung Fu Kids (26.6 percent) sa Zaido (28.9) at ’di hamak na naging mas “madulas” si Marimar (36.8 percent) kesa sa dalawang Palos (23.6). Maging ang Maging Sino Ka Man ay nilampaso ng Koreanovela na Coffee Prince sa ratings na 13.3 at 31.2 percent, respectively.

No comments: