GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, January 23, 2008

KC ipapalit ni Richard sa ex-GF

By: Chan-Chan Torres

EksenadoraSo, si KC Concepcion pala ang type ni Richard Gutierrez na taga-ABS-CBN at hindi si Jewel Mische na ipinapareha sa aktor ngayon. Nagkaroon kasi ng hulaan sa mga manonood kung sino ang bagong lipat sa Dos na tinutukoy ni Ruffa Gutierrez na crush daw ng kapatid niya.
Eh, hindi naman pwedeng sina Anne Curtis at Angel Locsin ang mga ito dahil alam ng lahat na past na sila ni Richard. Si Anne ay talagang naging kasintahan ni Richard for quite sometime rin at si Angel naman ay naging kapareha ng aktor sa iba’t ibang proyekto sa Siyete. Never silang naging magdyowa. Brillant guess! Si KC nga ang bagong lipat sa Dos. Na hindi kami nagtataka kung magustuhan siya ni Richard dahil pareho silang smart at beautiful ang karakter inside and out. Saka kung ating maaalala wala pa namang naging dyowa itong si Richard na kapareha niya, di ba? Take note, mestiza at inglesera ang type ni Richard at doon pa lang super pasok na pasok na ang qualities ni KC. Nakakikilig ang dalawang itetch, di ba? Ano naman kaya ang say ng madir niyang si Tita Anabelle Rama tungkol dito? Eh, si Megastar Sharon Cuneta kaya, maging boto kay Richard sakaling magkalakas ng loob na magsabi ang binata tungkol sa nararamdaman? Sana ay mag-bloom ang pagpapa-cute na ito na nagsimula sa crush chorva lang, di ba? It’s so refreshing at parang high school ang dating. Sa gitna ng maraming naghihiwalay at failed relationships, hindi masama magkaroon ng crush uli just like the old times. Feeling bagets.

No comments: