GMA Livestreaming: Thanks to mytvko
Monday, December 31, 2007
MARK ANTHONY: I KNOW THE LORD IS HEALING MY DAD
Sunday, December 30, 2007
December 25, 2007 (Tuesday)
SOURCE: Pinoy Exchange Online
08.8 SiS
06.9 Boy and Kris
10.1 Takeshi's Castle
14.0 Pilipinas, Game Ka Na Ba?
12.9 Eat Bulaga
13.7 Wowowee
15.5 Daisy Siete - Ulingling
13.2 Pasan Ko Ang Daigdig
08.1 Prinsesa Ng Banyera
09.0 My Only Love
07.6 Come Back Soon Ae
07.5 Pinoy Movie Hits
14.5 Whammy, Push Your Luck!
14.8 Kapamilya, Deal Or No Deal?
21.3 24 Oras
20.2 TV Patrol World
26.4 Zaido: Pulis Pangkalawakan
17.6 Lastikman
30.9 Kamandag
17.4 Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik
35.3 MariMar
13.9 Ysabella
24.9 La Vendetta
15.2 Pinoy Big Brother: Celebrity Edition
17.0 Hwang Jini
09.8 Spring Waltz
12.3 Kung Ako Ikaw
16.1 Bandila
December 30, 2007
Naging malapit sa puso ng mga Pinoy, bata man o matanda, ang Kamandag dahil sa kwento nito tungkol sa isang nilalang na naghahanap ng pag-ibig, pamilya at layunin niya sa buhay matapos matuklasan ang kapangyarihan.
Simula noon, patuloy na mataas ang ratings na nakukuha nito at tinututukan nang husto ng maraming Filipino.
Saturday, December 29, 2007
Hula-hulaan 2008!
Isang araw na lang at 2008 na. At kapag ganitong panahon, usung-uso at buhay na buhay ang mga manghuhula sa showbiz. At sa totoo lang, natatawa kami sa mga hula ng iba riyan sa mga artista, dahil alam mong hula lang, o tsamba-tsamba lang.
May iba na nagkakatotoo talaga ang mga hula nila. Pero, karamihan sa kanila ay palpak kung manghula.
Hay naku, sa tagal ko na sa showbiz, kahit ako ay puwede na ring manghula tungkol sa mga artista, dahil alam naman natin na history repeats itself lang ang eksena sa showbiz.
For a change, in the spirit of fun, kami naman ang manghuhula at magbibigay ng predictions sa puwedeng maganap next year sa showbiz at sa mga celebrities, nameless man o sikat.
So, heto na ang mga hula, predictions, sapantaha, agam-agam or whatever next year sa showbiz!
SHARON CUNETA - Babalik uli siya sa dating timbang lalo na nga at sagad na naman siya sa trabaho. Kikita sa takilya at aani ng papuri ang pelikula niyang Caregiver under Chito Roño.
MARICEL SORIANO - Hindi pa rin siya pakakawalan ng ABS-CBN. Magkakaroon siya ng bagong TV show pero hindi ‘yon tulad ng kanyang Vietnam Rose, huh!
KRIS AQUINO - Iingay muli ang acting career dahil sa bago niyang TV show. Pahinga muna siya sa hosting job. Matatag pa rin ang relasyon nila ni James Yap, unless... Alam ninyo na ‘yon!
JUDY ANN SANTOS - Matatag pa rin ang relasyon nila ni Ryan Agoncillo. Pero sa gitna ng taon, may malaki siyang desisyong gagawin. Kung ano ‘yon, aba, abangan na lang natin, ‘no? I’m sure, `yung kasal nila ni Ryan ang nasa isip niyo, ha! ‘Yun nga kaya? Hulaan niyo na lang!
RICHARD GUTIERREZ - Makakarelasyon niya si Marian Rivera pero hindi nila ito aaminin. Kasi nga, may movie sila at may TV series pang gagawin, di ba?
DINGDONG DANTES - Magkakaroon ng problema sa lovelife nila ni Karylle. Pero quiet lang ang aktor sa pangyayari. True gentleman siya, kaya he’ll just let it pass. Wow!
PIOLO PASCUAL-SAM MILBY-LOLIT SOLIS - Naku, magkakaaayos din ‘yan. Likas naman ang pagiging mabait ng dalawang aktor lalo na’t Christian sila pareho.
DENNIS TRILLO - Ayoko siyang hulaan. Baka magdenay! Need we say more? Ha! Ha! Ha! Ha!
ARA MINA - Lilipat na sa Dos pero hindi naman siya mamamatay.
KATRINA HALILI - Magkakaroon na ng boyfriend. Itatago lang nga niya ito. Pangit naman na siya ang sexiest woman ng FHM tapos, wala man lang inspirasyon, di ba? Hindi nga lang iri-reveal ni Katrina ang boyfriend niya. True to her form, ika nga.
RHIAN RAMOS - Aamin na sa mga nakarelasyon niya para matigil na ang hate emails na pinadadala sa mga press.
CRISTINE REYES - Hindi na papatol sa boyfriend na may anak. Tama na ang isang pagkakamali, ‘no? Patulan man niya si Robin Padilla sa series nilang Joaquin Burdado, at least, Muslim ito’t allowed ang apat na asawa, huh!
AI AI DELAS ALAS - Mali-link na naman sa lalaki, ayaw man niya o gusto, huh! Pero hindi pa rin sila magbabati ni Rosanna Roces.
RUFA MAE QUINTO - Magkakaroon uli ng boyfriend pero super-lihim na siya tungkol dito.
MANNY PACQUIAO - Maghihigpit na sa pera. Tatanggalin sa tabi niya ang mga taong nagsasamantala sa kayamanan niya. Titigil na sa paggawa ng pelikula.
MARIAN RIVERA - Lalantad ang mga lalaking nakarelasyon niya noong hindi pa siya artista, pero itatanggi niya ito.
MARK HERRAS - Magbabawas ng work load at magdadagdag ng timbang. Para matigil na ang tsismis na nagda-drugs siya, huh!
REGINE VELASQUEZ AT OGIE ALCASID - Matatag pa rin ang relasyon kahit wala pang resulta sa annulment ng kasal ni Ogie kay Michelle Van Eimeren. Wala pa ring buntisang magaganap.
JANNO GIBBS - Tuluyan na silang magkakabalikan ni Bing Loyzaga. Huwag lang uli ma-link sa ibang girls si Janno, huh!
MOTHER LILY - Tuloy pa rin sa paggawa ng pelikula. Kukuha ng ibang directors para sa bago niyang projects.
ABS CBN AT GMA 7 - Patuloy pa rin ang network war!
Naku, mahirap palang manghula. Pero ang usual namang nangyayari sa showbiz ay mga eskandalo tulad ng pagbubuntis ng isang artista, ang pagpapakasal, pag-amin sa pakikipagrelasyon.
Ang malulungkot naman ay ang pagkakaroon ng trahedya tulad ng pagkamatay ng isang artista, aksidente at pagkakasakit nang malubha.
Hula lang naman ang lahat ng ito. Tayo pa rin ang gumagawa ng sarili nating destiny. Sa showbiz naman, just be professional, marespeto sa kapwa artista at paghusayan ang iyong craft, lahat ng suwerte ay iyong aanihin, di ba?
Happy New year to all!
Friday, December 28, 2007
Kahit may bangayan… Tuloy ang ratings sa TV!
Sa gitna ng bangayan tungkol sa anomalya sa ratings na inirereklamo ng ABS-CBN 2, narito pa rin ang aming kumpletong report sa overnight ratings sa nakaraang weekend hanggang Martes:
Biyernes (Dec. 21):
SIS 12.6 vs. Boy and Kris 8.2,
Takeshi’s Castle 15.1 vs. Game Ka Na Ba 15.5,
Eat Bulaga 22.4 vs. Wowowee 15.1,
Daisy Siete 22.1 at Pasan Ko ang Daigdig 18.2 vs. Prinsesa ng Banyera 9.3,
My Only Love 16.3 at Soon Hae 14.5 vs. Pinoy Movie Hits 9.9,
Whammy 19.4 vs. Deal or No Deal 13.7,
24 Oras 27 vs. TV Patrol 19.9,
Zaido 31.3 Princess Sarah 22,
Kamandag 35.9 vs. Lastikman 21.2,
Marimar 38.6 vs. Maging Sino Ka Man 18.6,
La Vendetta 30.6 vs. Ysabella 19.6,
Hwang Jini 19 vs. Pinoy Big Brother 21.9,
Bubble Gang 15.1 vs. Maalaala Mo Kaya 20.1 at Bandila 8.1.
Lunes (Dec. 24):
SIS 9.5 vs. Boy and Kris 8.6,
Takeshi’s Castle 12.4 vs. Game Ka Na Ba 13.1,
Eat Bulaga 19.3 vs. Wowowee 13.9,
Daisy Siete 17.7 at Pasan ko ang Daigdig 16.2 vs. Prinsesa ng Banyera 8.6
My Only Love 11.8 vs. Pinoy Movie Hits 9.7,
Soon Hae 10.1 at Whammy 14.5 v.s Deal or No Deal 14.5,
24 Oras 19.6 vs. TV Patrol 19.8,
Zaido 25.4 vs. Lastikman 17.9,
Kamandag 27.5 vs. Maging Sino Ka Man 15.3,
Marimar 30.8 vs. Ysabella 14,
La Vendetta 22.4 v.s Pinoy Big Brother 15.4,
Hwang Jini 16.9 vs. Bandila 14.8,
Kung Ako Ikaw 13.2 vs. Noypi 12.8.
Martes (Dec. 25):
SIS 8.8 vs. Boy and Kris 6.9,
Takeshi’s Castle 10.1 vs. Game Ka Na Ba 14,
Eat Bulaga 12.9 vs. Wowowee 13.7,
Daisy Siete 15.5 at Pasan Ko ang Daigdig 13.2 vs. Prinsesa ng Banyera 8.1,
My Only Love 9 vs. Pinoy Movie Hits 7.5,
Soon Hae 7.6 at Whammy 14.5 vs. Deal or No Deal 14.8,
24 Oras 21.3 vs. TV Patrol 20.2,
Zaido 26.4 vs. Lastikman 17.6,
Kamandag 30.9 vs. Maging Sino Ka Man 17.4,
Marimar 35.3 vs. Ysabella 13.9,
La Vendetta 24.9 vs. Pinoy Big Brother 15.2,
Hwang Jini 17 vs. Spring Waltz 9.8, Kung Ako Ikaw 12.3 vs. Bandila 6.1.
"Kamandag" is now the No. 1 telefantasya
Josephine Cruz
Friday, December 28, 2007
World-class na produksiyon, star-studded na cast at nakakahumaling na kuwento ng mga Ambog at mga tao na puno pa ng aksyon at makulay na pakikipagsapalaran ng bida ang ilan sa mga dahilan kung bakit patok na patok at nangungunang telefantasya ngayon ang Kamandag.
Mula sa orihinal na likha ni Carlo J. Caparas, naging malapit sa puso ng mga Pinoy—bata man o matanda—ang Kamandag dahil sa kuwento nito tungkol sa isang nilalang na naghahanap ng pag-ibig, pamilya, at halaga niya sa buhay matapos matuklasan ang kapangyarihan.
Pinangungunahan ng Primetime King na si Richard Gutierrez na gumaganap bilang si Vergel at Kamandag, ang pinakabagong Pinoy superhero na kalahating tao at kalahating ahas na ginagamit ang kapangyarihan sa kabutihan.
Kasama ni Richard sa engrandeng telefantasyang ito ang ilan sa mga pinagpipitagang artista sa industriya ‘tulad ni Johnny Delgado at ang pinakabagong miyembro ng Kapuso Network na si Eula Valdez.
Ito ang kauna-unahang proyekto ni Eula Valdez sa GMA-7. Ayon kay Eula, masaya siya sa role na ibinagay sa kanya bilang si Reyna Alicia. Naghahanda na rin si Eula sa mga action scenes na kanyang gagawin dahil magkakaroon ng pagbabago sa kanyang karakter na ngayon ay nakakulong sa selda.
Ang award-winning actor naman na si Johnny Delgado na gumaganap bilang si Haring Budog ay patuloy na pinahahanga ang kanyang mga kasamahan at mga manonood sa kanyang galing sa pag-arte dahil kahit walang dialogue, naipapakita niya ang mensaheng gusto niyang iparating.
Kabilang sina Eula at Johnny sa mga karakter mula sa kaharian ng Ambograw na may limang lahi—ang mga Hasbaya (ahas), Buson (lobo), Kibal (musang), Bagol (toro), at Lubot (unggoy).
Kung si Richard ang mabait na si Vergel at superhero na si Kamandag, si Mark Anthony Fernandez naman ang bad boy na si Lucero at super villain. Kapwa sila merong super powers na kahalintulad ng sa ahas, pero ginagamit ito ni Vergel sa kabutihan samantalang pumapatay naman si Lucero.
Tuwang-tuwa si Mark sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA-7 at hindi naman nagkamali ang management sa pagpili sa kanya dahil sa galing ng aktor ay swak na swak sa kanya ang karakter na si Lucero. Kakaiba rin ang chemistry nila Richard at Mark sa TV bilang best friends na magiging worst enemies.
Mula sa direksyon nila Mark Reyes at Topel Lee, ipinagmamalaki rin ng Kamandag ang world-class production design nito mula sa magarbong costumes na likha nina Noel Flores at Bill Gustilo hanggang sa rainforest set ng kilalang production designer na si Rodel Cruz at ng kanyang team, pati na rin ang makapigil-hiningang action-packed scenes matapos ang matinding training ni Richard ng Jujitsu kay international Ultimate Fighting Championship superstar Brandon Vera. Bukod dito, gumagamit din ang Kamandag ng mga tunay na ahas sa taping para mas maging makatotohanan ang eksena. Ang grupong Larger Than Life naman ang gumagawa ng magagandang visual effects ng show.
Ang Kamandag ang huling pasabog ng GMA-7 sa 2007 na nagsimula noong Nobyembre 19 at nakakuha ng overnight ratings na 42.7 percent sa pilot episode nito. Simula noon, patuloy na mataas ang ratings na nakukuha nito at tinututukan nang husto ng maraming Pinoy.
Huwag palagpasin ang makapigil-hiningang labanan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan sa exciting na adventure ng pinakabagong Pinoy superhero na si Kamandag. Mapapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Mark, inspirado kay Richard!
Pero ngayon ay namamayagpag siya bilang primero kontrabida ni Richard Gutierrez sa top-rating telefantasya na Kamandag.
"Happy ako talaga. Hindi ko inaasahan na magtatagal ulit ako sa trabahong ito. After ngang ibigay sa akin ang role sa Impostora, pinagbuti ko talaga. Gusto kong ipakita na nagbago na ako. Heto na ang bagong Mark Anthony Fernandez, ready to work again.
"Kaya nagpapasalamat ako sa GMA-7 for giving me another chance. Minsan nga naiiyak ako dahil sa mga magagandang nangyayari sa akin. Nandiyan ang asawa ko at ang anak ko para suportahan ako.
"Ang ganda ng nagdaang Christmas namin, eh. Masaganang-masagana. Kaya ngayong pagpasok ng Bagong Taon, mas marami akong maise-share na blessings sa pamilya ko," maluha-luhang sabi ni Mark.
Wala raw problema kay Mark ang pagiging kontrabida, dahil malaking artista naman ang sinusuportahan niya sa Kamandag.
"Maganda ang rapport namin ni Richard (Gutierrez). Okey siyang katrabaho. Mabait at napaka-down to earth. Kahit na isang malaking artista na siya ngayon, napaka-humble.
"Kaya naman kapag may mga eksena kami, nai-excite ako kasi gusto kong makita ‘yung intensity niya as an actor. Nakaka-inspire kasi ang mga tulad niya. Ako naman, ayokong manapaw kung ‘di ko rin lang eksena. Show ni Richard and Kamandag kaya siya dapat ang mag-shine nang husto. I will shine sa sarili kong mga eksena," say na lang ni Mark.
RICHARD, GIGIL NA GIGIL KAY MARIAN!
Abante Online
Sabi ni Mother, hugis buwan daw kasi ang mukha ni Marian, at suwerte raw `yon sa negosyo. Maaliwalas din daw ang dating ng face ni Marian, kaya masarap tingnan, at puno ng buhay.
Aminado si Mother, may mga artista na kapag tiningnan mo ang mukha ay walang latoy. Pero si Marian daw ay parang kumikinang ang mga mata.
Nakatulong din daw ang pagiging masayahin at mapagbiro ni Marian, kaya lalo itong gumaganda.
Teka, si Angel Locsin kaya ang tinutukoy ni Mother na walang latoy ang mukha? Well, hindi `yon sinagot ni Mother, dahil ayaw raw niya ng intriga.
Sa totoo lang, hindi na kami magtataka kung sa susunod na taon ay si Marian na ang magiging reyna ng Regal Films. Aba, plano kasi ni Mother Lily na bigyan ng maraming pelikula si Marian, na kung saan ay ang mga mahuhusay na director na sina Maryo J. delos Reyes at Chito Roño ang magdidirek.
Plano raw niyang gawing tunay na aktres si Marian sa 2008, na hindi lang maganda ang mukha, kundi mahusay talagang umarte.
Pero `yun nga lang, busy rin sa ngayon si Marian, dahil bukod sa Marimar, nandiyan pa ang movie nila ni Richard Gutierrez, na ipalalabas sa February.
Speaking of Richard, makikita niyo sa picture sa pahinang ito kung paano niya papakin si Marian, ha! Parang gigil na gigil nga si Richard sa kagandahan ni Marian.
Aba, parang hindi kataka-taka na maging magsyota sina Marian at Richard, lalo na at madadalas ang pagsasama nila.
Anyway, sa totoo lang, ang suwerte-suwerte ni Marian, ha! At sana lang, huwag magbago ang ugali niya sa pakikitungo sa lahat ng tao sa paligid niya.
Richard Gutierrez, aliw kapag ‘ngenge’!
Abante Tonite
Ang sarap-sarap sanang i-quote ni Ma’am Wilma Galvante (SVP for Entertainment ng GMA) sa iba’t ibang topic na napagtsikahan namin sa Christmas party ng Kamandag sa Serve disco bar nu’ng Setyembre 23, kaya lang ay halos panay pang-off the record ang usapan.
***
***
Balik sa Christmas party ng Kamandag. Sa short speech ni Ma’am Wilma ay kinongratuleyt niya ang cast and crew ng programa dahil sa 40+ ratings na nakukuha nito lately. Bukod doon ay palagi raw overloaded sa commercials ang Kamandag, sabi ni Ma’am Wilma.
Thursday, December 27, 2007
ENTERTAINMENT
Noong Christmas day ay magkasama kami ni Ruffa Gutierrez sa coffee shop ng EDSA Plaza Hotel. Nakita namin doon si Meme Monteverde, anak ni Mother Lily.
Masaya si Meme sa kinalabasan ng Shake, Rattle & Roll 9. Hindi raw nila gaanong expected na ganoon kalakas ang pelikula.
After sa hotel na ‘yon, isinama ako ni Ruffa sa bahay nila sa White Plains. Dinatnan namin doon ang dalawa niyang anak, sina Lorin at Venice. Nandoroon din sina Tito Eddie at Tita Annabelle (Rama).
Dumating din doon si Richard Gutierrez, na aalis ngayong araw na ito para mag-New Year somewhere in the north.
Susunod din ang iba pang mga kasama ni Richard sa kanya, pati sina Tito Eddie at Bisaya.
Si Raymond Gutierrez naman ay umalis kahapon para magbakasyon sa New York kasama ang ilang mga kaibigan.
Anyway, sa tsikahan with Richard ay naikuwento ko sa binata na palagi akong nanonood ng Kamandag dahil ito ang pinakapaborito ko sa mga series ng kapatid ni Ruffa.
Aba, gabi-gabi akong nanonood ng Kamandag at kapag nami-miss ko ito, may isang fan si Richard na nagte-tape nito para sa akin.
Sa tsikahan namin, muling nag-deny si Richard sa balitang siya ang dahilan ng napapabalitang split-up nina KC Concepcion at Lino Cayetano.
Richard, 'di marumi ang balat!
Eh, bagama’t hindi naman tinutukoy sa blind item na si Richard `yon, ipinalagay agad ni Annabelle na ang anak nga niya ang tinutukoy.
Tinawagan nga kami ni Tita Annabelle para usisain tungkol doon. Sabi niya, narinig daw niya `yon sa isang radio program.
Sa totoo lang, natawa kami kay Tita Annabelle. Kasi naman, ang naging basehan lang niya kung bakit sa tingin niya ay si Richard ang tinutukoy ay dahil sa salitang sikat na matinee idol.
Kunsabagay, kapag sikat na matinee idol ang pinag-uusapan, agad ngang papasok sa isip mo ang pangalan ni Richard.
Eh, isa pa raw sa clue sa blind item ay walang girlfriend ngayon ang naturang matinee idol. Eh, wala raw girlfriend ngayon si Richard.
Well, hindi nagagalit si Tita Annabelle sa tsismis na `yon. Sabi nga niya, baka nga marumi ang balat ni Richard, at nakakahiya `yon.
Pero sa tingin ni Tita Annabelle, nung huli niyang nakita ang anak ay makinis na makinis ito, at wala nga raw ni katiting na mantsa ang balat nito.
Sa totoo lang, si Richard ang isa sa pinakamabango at pinakamakinis na artista na nakita namin. Aba, kahit ngarag na ngarag siya sa trabaho, hindi pa rin nababago ang kinis ng balat at bango nito.
Anyway, nakiusap sa amin si Tita Annabelle na isulat namin na hindi si Richard ang tinutukoy na matinee idol sa blind item na `yon.
Naku naman, kahit naman hindi makiusap si Tita Annabelle sa amin, ang mga tao na mismo ang magsasabi na hindi si Richard ang tinutukoy na matinee idol na marumi ang balat at puno ng butlig.
Ang kinis-kinis ni Richard, `no!
Richard, inagawan si Dingdong!
Kunsabagay, sa mga leading men ngayon sa GMA, sina Richard at Dingdong lang naman talaga ang puwedeng mag-agawan sa mga babae. Eh, parehong guwapo, malakas ang sex appeal, at malakas sa mga tao.
Sa picture nga nina Marian at Richard na kinunan ni Boy Borja sa premiere night ng Desperadas, kitang-kita na may chemistry agad ang dalawa, ha! Aba, parang aabangan nga agad ng mga fans ang movie nila sa February.
Pero siyempre, iba pa rin si Dingdong sa buhay ni Marian. Una namang minahal ni Marimar si Sergio, kesa kay Kamandag.
Wednesday, December 26, 2007
Dingdong poor second lang kay Richard Gutierrez
By: Dinno Erece
(JUN NARDO)
Ang kaabang-abang ay kung sino ang lalabas na bagong Darna na iniwan ni Angel Locsin. Si Marian Rivera na ba?
Sunday, December 23, 2007
Dinno Erece
Sunday, December 23, 200703:40 PM
Gumawa ng movie ad trailer ang GMA-7 para sa mga bagong primetime shows nito for 2008. Ipapalabas ang nasabing trailer sa lahat ng sinehan starting this Christmas, sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2007. Hindi pa man nagsisimula ang MMFF, ipinakita na ito sa premiere night ng Resiklo noong Sabado sa SM Mega Mall.
Sandwiched ang apat na shows sa pinaka-teaser ng Valentine movie ng GMA Films at Regal Films na A Very Special Love, ngunit si Richard Gutierrez lang ang ipinakita, with a blurb that says, "she is definitely coming this Valentine."
Ang unang ipinakita ay ang Joaquin Bordado nina Robin Padilla at Iza Calzado. Heavy ang special effects ng trailer dahil nabubuhay ang mga tattoo sa katawan ni Robin as Joaquin Bordado na parang nag-a-apoy.
From the direction of Mac Alejandre and Argel Joseph, Joaquin Bordado also stars Mark Herras, Iwa Motto, and Cristine Reyes, although may usap-usapan na planong lumipat ng bakuran ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.
Ang ikalawa ay ang napaka-glossy na Babangon Ako At Dudurugin Kita, ang kauna-unahang Sine Novela for primetime. Ang dalawang magiging kontrabida sa soap ang ipinakita muna, sina Marvin Agustin at Angelika Dela Cruz, bago lumabas as separate shot sina Yasmien Kurdi at JC De Vera.
Ito ang mag-aakyat sa tambalan nina Yasmien and JC sa primetime after lording the afternoon slot with two successive and successful Sine Novela, Pati Ba Pintig Ng Puso at Pasan Ko Ang Daigdig. Ito rin ang pagbabalik ni Joel Lamangan sa primetime ng GMA, his last project was in 2002, Kung Mawawala Ka.
The third soap is Mars Ravelo's Dyesebel. Dahil wala pang napipiling artista na gaganap sa soap, nakatalikod lang palagi si Dyesebel.
Ang pang-apat ang ikinagulat ng audience dahil bagama't nasusulat nang magbabalik si Darna, hindi inakala na makakasama niya pala rito si Captain Barbell. The tentative soap title is Captain Barbell Meets Darna.
Si Richard Gutierrez pa rin ang naka-peg na gaganap bilang Captain Barbell, although hindi pa alam kung mauuna ba ito or ang kaniyang Gagamboy once his Kamandag finishes by first quarter of 2008.
Wala pa ring napipili ang GMA-7 na gaganap bilang Darna, na unang ginampanan ni Angel Locsin. Sa 7th floor (Entertainment TV) ng GMA Network Center, puwedeng mag-cast ng vote ang mga empleyado kung sino ang gusto nilang maging Darna.
Saturday, December 22, 2007
Allan Diones
Abante Tonite
December 23, 2007
Enjoy si Richard Gutierrez na makatambal si Marian Rivera sa Valentine movie na A Very Special Love ng GMA Films.
"Si Marian, ang sarap niyang katrabaho. She’s very light to work with. Ang bait niya, not only to me, but sa lahat ng mga tao sa set. She’s very sweet, kaya enjoy kami," sey ng Kamandag heartthrob.
Si Direk Mark Reyes na direktor din ng Kamandag ang nagdidirek ng Richard-Marian movie kaya wala silang problema sa shooting dahil pareho ng schedule sina Richard at Direk Mark.
Alam ng lahat na break na si Richard at ang model girlfriend niyang si Georgina Wilson, pero ayon sa binata ay hindi ‘loveless’ ang kanyang Pasko.
"Alam mo kung bakit? Kasi, ang dami kong minamahal ngayon. Nandiyan ‘yung pamilya ko, di ba?
"At ngayon talaga, sobrang focused ako sa work ko. Next year, marami akong naka-lineup na projects. So, I’m focused ngayon sa trabaho," pakli ni Chard.
Ano ang masasabi niyang ‘the best’ na nangyari sa kanya ngayong 2007?
"Syempre, ‘yung aside from my work, it’s more of my growth as a person. Itong taon na ‘to, talagang nakilala ko ang sarili ko.
"I saw my good side, I saw my bad side and alam ko kung ano ‘yung kailangan kong baguhin for next year.
"And at the same time, I’m very happy. Kasi, kahit anong nangyayari sa buhay ko, patuloy na nandiyan ang pamilya ko sa likod ko. They keep me grounded, they keep me strong."
Ano naman ‘yung worst thing na nangyari sa kanya this year?
"Lahat naman tayo, may kanya-kanyang personal problems, eh! I had my own share. ‘Yun na lang ‘yon. Ha! Ha! Ha!" tawa na lang ni Richard.
RICHARD GETTING TO KNOW JEWEL BETTER
December 22, 2007
AT the Gutierrez family Christmas party, Richard Gutierrez said it’s not true he’s pissed with GMA-7 as it’s now favoring Marian Rivera’s “Marimar” over his “Kamandag”. “Kalokohan ‘yun dahil mas big-budgeted ang action scenes, costumes, sets at special effects ng ‘Kamandag’ kumpara sa ‘Marimar’,” he says. “To promote it, we also have our own battery of top publicists kaya paano sasabihing napapabayaan kami? I’m really happy with ‘Kamandag’ and GMA-7 and I’m doing my best para suklian ang kabaitan nila. Heto nga, umalis lang ako sa taping namin to attend this Christmas party. Eight hours nang kinukunan ang fight scene namin ni Mark Anthony Fernandez who plays Lucero, pero hindi pa rin tapos. I’m also happy for Marian and I’m proud of her that ‘Marimar’ is doing good. Hindi rin kami naaapektuhan ng mga intriga sa amin as we’re now even shooting a Valentine movie, ‘A Very Special Love’. Enjoy nga ako kasi magaan siyang katrabaho. Mabait pati sa crew. Pinagtatawanan na lang namin ang mga intriga sa amin dahil naiinggit lang siguro sila sa big success ng ‘Kamandag’ at ‘Marimar’ sa ratings.” What can he say now that Alessandra de Rossi has joined the cast of “Kamandag”? “Barkada na kami noon sa ‘Click’ pa kaya excited ako to work with her again.” She says she’s reluctant to have kissing scenes with him as he’s “sobrang guwapo”? “Magtigil nga siya, siya nga itong nagpapa-sexy sa underwear fashion show ng Bench at award-winner na siya.” Is it true he’s now dating his leading lady, Jewel Mische, and they’re often seen together in his car? “Jewel is very sweet and easy to get along with, so after the taping, sometimes, we have coffee together. Pero hindi madalas ‘yun, mga twice pa lang. Sa cast kasi siya, yung iba, kilalang-kilala ko na, unlike her na newcomer pa lang, so ngayon pa lang namin kinikilala ang isa’t isa, which is important kasi we work together almost everyday. Ganun lang ‘yon.”
Jewel Mische bagong inspirasyon ni Richard
December 22, 2007
TINALBUGAN ng Christmas party ng Gutierrez family ang lahat ng pa-Christmas party for the press ng mga artista recently. Ito ay ginanap sa Im-perial Palace at take note, lahat ay umuwing may bit-bit. As in, walang umuwing luhaan! Pinangunahan ni Ruffa Gutierrez at ng madir niyang si Annabelle Rama ang event na ‘yun. Naroon din si Raymond Gutierrez na tumulong sa pag-host ng party. In fairness, ang husay ni Raymond mag-host, magaling na siyang mag-Tagalog at spontaneous ang kanyang dialogue. Hindi gaya ng iba ri-yan na ang tagal na sa ‘Pinas, wa pa ring effort na mag salita ng Filipino. Masaya ang lahat dahil hindi ka-cheapan ang mga pa-raffle ni Tita Annabelle. Magagamit talaga ang mga ito sa bahay. For the minor prizes, naroon ang electric fan, walang katapusang rice cooker, airpot, blender, gas stove oven at ilang one thousand and three thousand pesoses na cash. For the major prizes, naroon ang aircon, refrigerator, Television, datung uli at mga DVD. O di ba, pabulosa talaga? What makes it extra special is the fact na naroon ang lahat ng entertainment press keber mang madalas o hindi nila sinusulat ang mga Gutierrez. Wala silang ganoong emote. Ayon pa kay Ruffa, it’s their way of giving back sa lahat ng blessings na ipinagkaloob din sa kani-la. Saka naniniwala ka-ming nasa publicist din ‘yan, kung kilala niya lahat ng mga sumusuporta sa artistang pinaglilingkuran niya. Eh, di walang nakaka-limutan sa mga ganitong okasyon. Kaya lahat ma-saya. Congrats sa lahat ng nagwagi!
* * *
LATE nang dumating si Richard Gutierrez sa na-sabing event sa Imperial Palace. Galing pa raw siya sa taping ng Kamandag (ng GMA-7) but he made sure he was able to make habol sa event for the press. Plea-sant ang dating sa amin ni Richard habang kausap siya ng ilang kaibigan sa panulat. Tinanong nga siya kung totoong lilipat na sila ng bahay dahil ipinapa-renovate pala nila ang family home nila sa White Plains. Say ni Richard, lilipat lang sila in a bigger house pero aniya, hinding-hindi raw nila ipagbibili ang dati nilang tinitirhan. May sentimental value yata sa kanila ang bahay na itectch kungkaya’t ipapaa-yos lang nila pero hindi nila ipagbibili kahit pa ilang bahay na ang kaya nilang ipagawa. Aminado rin si Richard na tumutulong siya sa pagpapatayo ng bahay nilang bago and he feels good about it. Nakatutuwa naman dahil nakikita naming responsable na ang bagets na ito at his young age. Si Jewel Mische ba ang inspirasyon now ni Richard?
Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng HUWEBES (Disyembre 20) mula sa TNS:
SiS 9.4% vs. Boy and Kris 9%;
Takeshi’s Castle 13.1% vs. Game Ka Na Ba 14.8%;
Eat Bulaga 18.3% vs. Wowowee 15.2%;
Daisy Siete 17.2% at Pasan Ko ang Daigdig 15.3% vs. Prinsesa ng Banyera 12.9%;
My Only Love 12.3% at Soon Ae 10.7% vs. Pinoy Movie Hits 10.9%;
Whammy 19.4% vs. Deal or No Deal 16.9%;
24 Oras 29.3% vs. TV Patrol World 25.2%;
Zaido 34.8% vs. Princess Sarah 26.1%;
Kamandag 38.3% vs. Lastikman 26.7%;
Marimar 42.3% vs. Maging Sino Ka Man 19.3%;
La Vendetta 31.7% vs. Ysabella 17.9%;
Hwang Jini 21.4% vs. Pinoy Big Brother 18.5%; Magpakailanman 12.7% vs. Bandila 10.3%.
***
Naglabas na ng ratings ang AGB Nielsen para sa mga programa ng Dos at Siyete noong Miyerkules at Huwebes.
Narito ang AGB Nielsen Ratings noong MIYERKULES (Disyembre 19):
SiS 9.3% vs. Boy & Kris 7.6%;
Takeshi’s Castle 12.6% vs. Game KNB 16.0%;
Eat Bulaga 18.5% vs. Wowowee 16.9%;
Daisy Siete 17.4% at Pasan Ko ang Daigdig 18.3% vs. Prinsesa ng Banyera 10.1%;
My Only Love 16.3% vs. Pinoy Movie Hits 11%;
Soon Ae 13.6% at Whammy 18.2% vs. Deal or No Deal 17.2%;
24 Oras 29.8% vs. TV Patrol 23.0%;
Zaido 30.6% vs. Princess Sarah 26.3%;
Kamandag 37.6% vs. Lastikman 23.7%;
Marimar 39.8% vs. Maging Sino Ka Man 19.5%;
La Vendetta 28.9% vs. Ysabella 20.2%;
Hwang Jini 20.7% vs.Pinoy Big Brother 23.9%;
Kung Ako Ikaw 14.9%
***
AGB Nielsen Ratings noong HUWEBES (Disyembre 20):
SiS 10.3% vs. Boy & Kris 8.3%;
Takeshi’s Castle 16.1% vs. Game KNB 13.9%;
Eat Bulaga 22.1% vs. Wowowee 14.1%;
Daisy Siete 21.2% at Pasan Ko ang Daigdig 16.9% vs. Prinsesa ng Banyera 11.5%;
My Only Love 13.3% at Soon Ae 10.1% vs. Pinoy Movie Hits 9.2%;
Whammy 16.8% vs. Deal or No Deal 14.1%;
24 Oras 30.5% vs. TV Patrol 21.1%;
Zaido 37.2% vs. Princess Sarah 22.2%;
Kamandag 41.1% vs.Lastikman 22.3%;
Marimar 42.8% vs. Maging Sino Ka Man 18.5%;
La Vendetta 29.3% vs. Ysabella 19.8%;
Hwang Jini 21.6% vs. Pinoy Big Brother 19.0%;
Magpakailanman 14.2% vs. Bandila 11.5%.
Friday, December 21, 2007
TV Ratings
May nakukuha naman akong overnight ratings sa survey group na TNS o Taylor Nelson Sofres. Ito ang bagong survey firm kung saan nagpa-subscribe rin ang GMA 7 bukod sa AGB Nielsen.
Narito ang Mega-Manila overnight ratings nu’ng MIYERKULES (Disyembre 19) mula sa TNS, kung saan hindi umabot sa 40% ang Marimar:
SiS 10% vs. Boy and Kris 8.9%;
Takeshi’s Castle 14.8% vs. Game Ka Na Ba? 16.8%;
Eat Bulaga 17.1% vs. Wowowee 15.1%;
Daisy Siete 15.8% at Pasan Ko Ang Daigdig 14.1% vs. Prinsesa ng Banyera 11%;
My Only Love 11.8% vs. Pinoy Movie Hits 12.4%;
Whammy 18.4% vs. Deal or No Deal 18.2%;
24 Oras 28.5% vs. TV Patrol World 24.3%;
Zaido 35.2% vs. Princess Sarah 24.9%;
Kamandag 38.4% vs. Lastikman 25.2%;
Marimar 39.9% vs. Maging Sino Ka Man 20%;
La Vendetta 30.9% vs. Ysabella 17.1%;
Hwang Jini 18.3% vs. Pinoy Big Brother 17.3%;
Kung Ako Ikaw 13.2% vs. Bandila 10.1%.
(ABU TILAMZIK)
Thursday, December 20, 2007
Richard Gutierrez admits going out with Jewel Mische—for coffee
Thursday, December 20, 200704:45 PM
Rating
Marami raw dapat ipagsalamat sa Diyos ang young actor na si Richard Gutierrez nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Christmas party ng Gutierrez Family for the entertainment press last Tuesday, December 18, sa Imperial Palace Suites, Quezon City.''
"Sunud-sunod po ang blessings na dumating sa akin at sa family ko ngayong 2007," nakangiting wika ni Richard. "It is a good year for me, kahit pa meron din namang ups and downs. This year din namin nasimulan ang pagpapagawa ng sarili naming bahay sa Makati. Malapit nang matapos ‘yon at soon ay lilipat na ang buong family doon."
Ibebenta ba ang bahay nila sa White Plains?
"Hindi, hindi namin ibebenta ‘yon," sagot ng young actor. "Nandoon lahat ang good memories ng buong family. Lahat ng blessings na dumating sa buhay namin, nangyari sa bahay na ‘yon. Mag-iiwan kami ng mga taong magme-maintain doon at siguro, paminsan-minsan, mag-i-stay pa rin kami doon. Wala naman kaming babaguhin sa bahay."
For 2008, tuluy-tuloy pa rin ang TV and movie projects ni Richard pagkatapos ng ginagawa niya ngayong A Very Special Love, ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Marian Rivera para sa GMA Films at Regal Entertainment.
"Marami rin kaming gagawing major events ng mga kapatid ko," dagdag ni Richard. "Isa dito ay para sa daddy namin [Eddie Gutierrez]. Excited na kami tungkol dito, pero ayaw muna naming sabihin kung ano ‘yon. Ayaw naming ma-preempt, baka malaman ni Daddy."
ALL ABOUT JEWEL. Matapos ma-link kay KC Concepcion, ngayon naman ay kay Jewel Mische—ang isa sa leading ladies niya sa Kamandag—nali-link kay Richard. Kumusta naman sila ni Jewel, na siya mismo ang pumili parang maging isa sa leading ladies niya?
"Kapag may katambal ka, hindi talaga maiwasan kung minsan na ma-link kayo," nangingiting wika ni Richard. "Hindi ko naman itinatanggi na paminsan-minsan, lumalabas kami ni Jewel. As of now, nasa getting-to-know each other stage kami."
Lumalabas, as in nagde-date sila ni Jewel?
"No, hindi pa naman," tanggi ng binata. "Several times na kaming lumabas, pero nagku-coffee lang kami kapag medyo mahaba ang dinner break namin sa taping. Jewel is so sweet, and although bago pa lang kaming nagkakatambal, I'm comfortable working with her. Masarap siyang kasama.
"Pero minsan, napapansin ko na nako-conscious siya, naiilang siya kapag tinatanong tungkol sa akin. Kaya sabi ko sa kanya, maging true lang siya sa sarili niya, huwag siyang mahiyang i-voice out kung ano ang napi-feel niya. I know, she will be a good actress."
Totoo bang minsan ay magkasabay silang dumating ni Jewel sa Sunday noontime show nilang SOP, at sa kotse pa niya nakasakay ang dalaga?
"Ah, ‘yon, wala lang. Nag-coffee lang kami ni Jewel bago kami pumunta sa show," paliwanag ni Richard.
A few months ago ay nag-break na si Richard at ang longtime girlfriend niya na si Georgina Wilson dahil sa long-distance love relationship nila. Si Jewel na kaya ang puwede niyang ipalit kay Georgina?
"Well, tingnan na lang natin," sagot ni Richard. "Although I can't afford to have a relationship now, I'm not closing my doors. Ayokong pangunahan yung mga bagay, so tingnan na lang natin. Basta sa ngayon, we work together almost every day kaya hindi maiiwasang maging close kami talaga."
Richard kuntento na sa pag-aalaga ng Kapuso network
By: Nitz Miralles
Tiniyak nina Annabelle Rama at Jun Lalin na walang uuwing walang regalo sa Christmas party for the press ng Gutierrez family, kaya pati dollars ipina-raffle na. Bukod sa ipinamigay na maraming regalo, masaya ang party sa banter ng mag-inang Annabelle at Ruffa Gutierrez. Tawanan ang press sa payo ni Annabelle kay Ruffa na para wala na siyang problema, palitan niya ang cell number para hindi na siya matawagan ng ex-husband. Para sa mga reporter, sina Raymond at Richard lang “normal” that night. Hahaha! May taping ng Kamandag si Richard at nagpaalam lang para ma-greet ng “Merry Christmas” ang writers at mag-thank you sa suporta sa kanilang magkakapatid at sa kanyang show.
Jewel, madalas 'sumakay' kay Richard!
Jun Nardo
December 20, 2007
Maagang dumating sa party si Raymond together of course with Annabelle Rama at ang assistant niyang si Jun Lalin. Sumunod si Ruffa Gutierrez at humabol naman si Richard na galing sa taping ng Kamandag.
Bukod sa sangkatutak na appliances, nagpa-raffle din ng cash prizes ang buong pamilya. At nakatikim din sila ng lechon Cebu na inorder pa ni Tita Annabelle sa Cebu kaya orig ang lasa at hindi pirated.
Bago matapos ang raffle, nakorner namin si Richard.
"Every Christmas, we try, and give love to the press people na sumusuporta at tumutulong sa amin throughout the year. Para sa lahat ‘yon. Walang kaaway. Walang kakampi. Patas lahat," sabi ni Richard na fresh pa rin ang hitsura kahit pagod.
Paano ba siya magdaraos ng Pasko ngayon?
"To be honest, wala akong Pasko ngayon. Sobrang busy ko. May ginagawa akong pelikula at Kamandag at the same time. So ‘yung Pamasko ko, baka after Christmas na o di kaya, pinapa-shop ko si Raymond o si Mama.
"Medyo bakasyon din ako. After Christmas, konting pahinga kasama ang pamilya. After New Year, balik uli sa trabaho.
"As of now, wala pang final plan kung saan kami pupunta kung sa States or what," say ng aktor.
Kumusta naman ang movie nila ni Marian Rivera?
"Okey naman. Enjoy kami sa shooting. Maganda ang pelikula. Maganda ‘yung kinalabasan ng movie so far. It’s great working with her and direk Mark (Reyes).
"Masarap katrabaho si Marian. She’s very light and ang bait niya, not only to me but she’s very sweet sa mga tao sa set. She’s very light to work with kaya enjoy kami," kuwento ni Richard.
Dahil walang girlfriend si Richard ngayon, naglalabasan ang tsismis sa kanila ni Jewel Mische. May nakakita kasi na madalas na sumasakay si Jewel sa kotse ni Richard.
"Ahh...Naging gentleman lang ako. Ganoon na nga. Kasi kami ni Jewel, kinikilala pa namin ang isa’t isa. Eh, ‘yung mga kasama ko sa Kamandag, kilala ko na.
"Jewel is very sweet. She’s not hard to get along with. Lumalabas kami.
"Actually, hindi naman kami talaga masyadong nakalalabas dahil wala kaming masyadong oras. We just talk sa set. We had dinner like once.
"She’s sweet. Very sweet. Mana lang sa tatay," sagot niya.
Bakit siya sumasakay sa ‘yo?
"Ha? wala namang ganoon! Ha! Ha! Ha! Ha!
"Nasira lang kotse niya at kailangan niya ng ride kaya nag-offer na ako going to the other location," rason niya.
Magkasabay din daw silang dumating sa SOP one Sunday?
"Ganoon? Ah, nag-coffee kami before going to SOP.
"We work together everyday kaya hindi na kailangang pilitin na maging close kami. Actually, close ako sa lahat!" sagot niya.
So, hindi siya loveless this Christmas?
"Hindi! Alam mo kung bakit? Ang dami kong minamahal ngayon. Nandiyan ang pamilya ko! Ngayon kasi, sobrang focus ako sa work ko. Next year, marami akong naka-line up na projects. Next year, it’s gonna be big!" balita pa ni Chard.
Eh, ano naman ang reaksyon niya sa intrigang mas alaga ng GMA sa promotions ang Marimar kesa sa Kamandag?
"Ang mga intrigang ganoon, hindi na ako nagpapaapekto. Hindi ko pinapakinggan. Masaya ako sa Kamandag.
"At the same time, I am very happy also for Marimar that it’s doing good. I’m very proud of Marian. She’s doing a good job.
"Kung anuman ‘yung promo issue, wala na akong masasabi doon. As a whole, GMA is doing good and I am part of the network. That’s all that matters!" paliwanag niya.
Siya raw ang King of GMA?
"Hindi. Hindi naman ako king ng GMA. Isa pa rin akong sundalo ng network. I’m just doing my job!" tugon ng guwapong aktor.
Siyanga pala, ngayong gabi sa Kamandag, luluwas ng Maynila si Lily kasama ang kanyang ina-inahan upang sundan si Vergel na kanyang ipinagtanggol sa mga pulis na nag-akusa sa kanyang pinatay si Mang Roilo.
Abante Tonite
December 20, 2007
Medyo umiiwas si Richard sa mga katanungan tungkol sa kanila ni Jewel Mische dahil naiintriga na ang closeness nila.
Takeshi’s Castle 14.4% vs. Game KNB 15.1%;
Eat Bulaga 22.4% vs. Wowowee 15.4%;
Daisy Siete 19.2% at Pasan Ko Ang Daigdig 18.2% vs. Prinsesa ng Banyera 11.0%;
My Only Love 13.6% vs. Pinoy Movie Hits 11.0%;
Whammy 18.3% vs Deal or No Deal 17.1%;
24 Oras 29.4% vs. TV Patrol 23.1%;
Zaido 30.7% vs. Princess Sarah 23.1%;
Kamandag 37.0% vs. Lastikman 24.1%;
Marimar 43.1% vs. Maging Sino Ka Man 18.8% at Ysabella 21.9%;
La Vendetta 29.5% vs PBB 21.2%;
Hwang Jini 17.7% at Kung Ako Ikaw 12.0% vs. Bandila 11.1%.
Richard, masaya para sa ‘Marimar’
Abante Tonite
December 20, 2007
"Alam mo, hindi na lang ako nagpapaapekto sa mga intrigang gano’n. Hindi ko na lang pinapakinggan ‘yon dahil ako, masaya ako sa Kamandag, masaya ako sa show ko and I’m doing my best.
"And at the same time, I’m very happy also for Marimar. I’m very happy that they’re doing good. I’m very proud of Marian (Rivera). She’s doing good, she’s doing a good job.
"So, kung anuman ‘yung promo isyu, wala na akong masasabi roon. Kasi, as a whole, GMA is doing good. And I’m part of the network, so that’s all that matters. The network is doing good, so I’m very happy," bulalas ni Richard nang matsika namin siya sa Christmas party ng Gutierrez family for the entertainment press kamakalawa nang gabi sa Imperial Palace Suites.
Malapit nang pumasok sa cast ng Kamandag si Alessandra de Rossi. Kilig-kiligan si Alex dahil sobrang guwapo raw ni Richard.
"Si Alex, parang barkada ko ‘yon. Naging barkada ko siya before sa Click, pero matagal kaming hindi nagkatrabaho. So, I’m excited to work with her also."
Payag ba siyang magkaroon sila ng kissing scene ni Alex sa Kamandag?
"Bakit naman hindi? Ha! Ha! Ha!" tawa niya.
Si Alex ay nahihiya raw sa fans ni Richard dahil sobrang guwapo niya…
"Sobra naman siya. Parang siya, hindi maganda at sexy at award-winning pa, ‘di ba?" papuri niya sa dalaga.
Galing sa taping ng Kamandag si Richard that night at nagpaalam lang nu’ng dinner break para makisaya at magpa-raffle sa press.
Natatawa niyang ikinuwento na eight hours na silang nagpa-fight scene ni Mark Anthony Fernandez ay hindi pa rin tapos at babalikan pa niya.
Isang buong araw na raw silang nagsusuntukan ni Mark, na gumaganap na kontrabida niya sa Kamandag.
Tsika pa ng guwapong heartthrob, wala siyang Christmas this year dahil sobrang busy siya sa taping at may ginagawa pa silang Valentine movie ni Marian Rivera.
Baka after Christmas na raw siya makapagbakasyon. Balak nilang pamilya na magpunta ng Amerika pero hindi pa raw ito sigurado.
Ang isa sa mga leading lady niya sa Kamandag na si Jewel Mische ang nali-link ngayon kay Richard.
May mga nakakitang nakisakay sa kotse niya ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart at hindi ito itinanggi ng binata. Nagpaka-gentleman lang daw si Richard kaya hinatid niya ang dalaga.
"Kasi, kami ni Jewel right now, kinikilala pa namin ang isa’t isa. ‘Yung mga ibang kasama ko kasi sa Kamandag, lahat sila kilalang-kilala ko na, unlike Jewel.
"And she’s very sweet. She’s not hard to get along with. So, ‘yun, lumalabas kami. Pero actually, wala rin kaming oras masyado para lumabas. We just talk sa set. We had dinner like once, ganu’n lang," sey pa ni Chard.
Teka, bakit sumasakay sa kanya si Jewel?
"O, wala namang gano’n! Ha! Ha! Ha!"
Ni-rephrase namin ang tanong. Bakit nakikisakay sa kotse niya si Jewel?
"Kasi, nasira ‘yung kotse niya at kailangan niya ng ride going to the other location (ng taping). So, nag-offer ako ng ride," sagot niya.
Bakit pati sa SOP ay nakita raw sila minsan na sabay silang dumating ng GMA at sa kotse niya rin nakasakay si Jewel?
"Ah, nag-coffee kami no’n before SOP, kaya sabay kami," kaswal na dayalog ni Chard.
Ano bang nagustuhan niya kay Jewel?
"She’s sweet, very sweet…"
Ang sabi naman sa kanya ni Jewel ay gentleman daw siya…
"Mana lang sa tatay (Eddie Gutierrez)! Ha! Ha! Ha!"
So, masasabi niyang si Jewel ang babaeng pinakamalapit ngayon sa kanya?
"Well, we work together everyday. So, hindi mo na kailangang pilitin talaga na maging close kami. Actually, close naman ako sa lahat ng tao sa Kamandag. Nakakasama ko sila everyday. So, I’m close to everyone," pa-safe niyang hirit.
Pero dahil wala siyang girlfriend ngayon, posible ba na madebelop at mainlab siya kay Jewel?
"Well, tingnan na lang natin. I’m not closing my doors. Ayokong pangunahan ‘yung mga bagay, so tingnan na lang natin," nakangiting sambit ni Richard.
Naging kwela ang press Christmas party ng Gutierrez family dahil sa mag-inang Ruffa at Annabelle Rama.
Nang magdayalog si Ruffa sa press ng, "Thankful ako because it’s been a rough year for me, but through the most devastating part of my life, nandiyan kayo. Sana, sa hirap at ginhawa, magkasama tayo," nag-react si Tita Annabelle ng, "Huwag mo nang banggitin ang hirap, Ruffa! Sabihin mo, puro sarap, walang hirap!"
May dagdag-hirit pa ito na halatang patungkol sa dating asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas:
"Madali lang ma-solve ‘yang hirap mo, Ruffa! Magpalit ka ng celfone number mo and don’t talk to him anymore!"
Smile lang ang Ruffing sa dayalog ng madir niya. Sumimple tuloy si Raymond ng, "Let’s not make it awkward. Let’s start the raffle!"
Aliw rin ang raffle dahil sa American twang ni Ruffa at sa mali-maling pagbigkas niya ng pangalan ng mga manunulat na nabubunot niya.
Hindi nakaligtaang i-promote ni Ruffa ang filmfest entry niyang Desperadas na ang premiere night sa Disyembre 23 ay para raw sa Pink for Life Foundation na tumutulong sa mga babaeng may breast cancer.
Wednesday, December 19, 2007
Richard Gutierrez dismisses rumors involving him with Marian and KC
Pep
December 19, 200710:35 AM
Vergel Had to Go Away
Kelangan munang umalis ni Vergel kasama ang kanyang kuya Doro para iwasan ang mga pulis na tumutugis sa kanya. He thought, he was the one who accidentally kill the father of Benjoy, pero ang totoo, it was Lucero. Si Lucero and pumatay kay Mang Roelo sa pamamagitan ng pagbuga ng kanyang kamandag dito.
Maxene: Kami raw ni Richard ang mas bagay
By: Mario E. Bautista
Freehand
Tuesday, December 18, 2007
Maxene, 100 ang boys!
(JUN NARDO)
MAY mga nagsasabi na hindi naman bagay sina Maxene Magalona at Richard Gutierrez. Sabi pa, wala raw chemistry ang dalawa sa Kamandag ng GMA 7.
```````````````````
"Okey lang ‘yon. For me, all I care about is the good of the show. Eh, sobrang ganda ng script.
Incidentally, exciting ang episode ngayon sa Kamandag dahil makakatakas si Reyna Alicia (Eula Valdez) kay Haring Gulag at mapupunta siya sa mundo ng mortal.
I have to comment in this Article. I don't think that Chard and Maxene don't have chemistry kasi as far as I know and in my own observation, they look good on cam. They have these natural sweetness to each other na hindi nakikita sa iba. Basta for me, meron silang kilig factor and everytime I see them together, kinikilig ako sa kanila. Magaling din c Maxene na artista, prim and proper and I don't see any kalandian in her.
Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng LUNES (Disyembre 17):
Takeshi’s Castle 11.1% vs. Game Ka Na Ba 15.9%;
Eat Bulaga 20.1% vs. Wowowee 16%;
Daisy Siete 19.4% at Pasan Ko ang Daigdig 17.6% vs. Prinsesa ng Banyera 8.9%;
My Only Love 14.5% vs. Pinoy Movie Hits 11.3%;
Whammy 19.6% vs. Deal or No Deal 18%;
24 Oras 30.3% vs. TV Patrol World 24.5%;
Zaido 32.7% vs. Princess Sarah 23.6%;
Kamandag 37.2% vs. Lastikman 25.2%;
Marimar 41.4% vs. Maging Sino Ka Man 19.6% at Ysabella 16.6%;
La Vendetta 31.6% vs. Pinoy Big Brother 19.9%;
Hwang Jini 19.2% at Kung Ako Ikaw 14.6% vs. Bandila 10.1%.
(ABU TILAMZIK)
Ilan lang ‘yan sa mga kapana-panabik na eksena ngayong gabi sa Kamandag na mapapanood after Zaido.
Monday, December 17, 2007
Lily Comforted Vergel
Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong BIYERNES (Disyembre 14):
SiS 11.5% vs. Boy and Kris 7.8%;
Takeshi’s Castle 15% vs. Game Ka Na Ba 15%;
Eat Bulaga 18.8% vs. Wowowee 15.8%;
Daisy Siete 19.2% at Pasan Ko ang Daigdig 17.7% vs. Prinsesa ng Banyera 10.1%;
My Only Love 14.2% vs. Pinoy Movie Hits 9.4%;
Couple or Trouble 14.7% at Whammy 19% vs. Deal or No Deal 15%;
24 Oras 29.6% vs. TV Patrol 21.5%;
Zaido 33.4% vs. Princess Sarah 20.6% at Lastikman 22.8%;
Kamandag 37.4% vs. Maging Sino Ka Man 18.7%;
Marimar 42.7% vs. Ysabella 17.5%;
Hwang Jini 20.1% vs. Maalaala Mo Kaya 18.5%;
Bubble Gang 17% vs. Bandila 7.7%.
Marimar (GMA-7) - 42.7%
Kamandag (GMA-7) - 37.4%
Zaido (GMA-7) - 33.4%
La Vendetta (GMA-7) - 29.7%
24 Oras (GMA-7) - 29.6%
Lastikman (ABS-CBN) - 22.8%
Pinoy Big Brother Celebrity Edition (ABS-CBN) - 21.9%
TV Patrol World (ABS-CBN) - 21.5%
Princess Sarah (ABS-CBN) - 20.6%
Hwang Jini (GMA-7) - 20.1%
December 17, 2007
Noel Asinas
MATATAPOS na ang Pasan Ko ang Daigdig sa Jan. 2008. Pero, may bago agad na assignment si Maureen Larrazabal. Siya ang isa sa new characters ng soap na Kamandag.
Anyway, mas kasasabikan ngayon ang Kamandag dahil mas marami nang fight scenes si Richard Gutierrez. Nakuha na kasi niya ang agimat ng kanyang amang si Gardo Versosa, bilang si haring Sabang.
Alessandra, nahihiya kuno sa fans ni Richard
Abante Tonight
December 17, 2007
Aapi-apihin ni Eleanor si Lily dahil alam niyang ito ang gusto ni Vergel.
"Siyempre, siya ang gusto ni Richard dahil maitim ako! Ilusyunada ako, eh ang itim-itim ko, ‘di ba?" natatawang pang-ookray ni Alex sa sarili niya.
May kissing scene ba sila ni Richard?
"Huwag naman! Nakahihiya sa fans! Ang guwapo ni Richard, eh!" pa-girl na bulalas ni Alex.
Bakit parang ayaw niyang makahalikan si Richard?
"Uy, wala akong sinabing gano’n! Sabi ko lang, nakahihiya dahil sobrang guwapo niya!"
Paano kung may kissing scene sila?
"Okey lang. Kung type niya, ha? Ha! Ha! Ha!"
Siya ba, type niya?
"Ang guwapo niya, tatanggi ba ako roon? Choosy pa ba ako? Hello!!! At I’m sure, ang sasabihin lang naman ng mga tao, ‘Ang suwerte ng baklang ‘to!’
"Wala man lang magsasabing, ‘Ang suwerte naman ni Richard, nahalikan si Alex!’ Ha! Ha! Ha! Maski siya ‘yung lalake, ang sasabihing suwerte, ako!" natatawang pakli ng kikay na young actress.
Hindi pa nakukunan ang mga eksena nila ni Richard sa Kamandag, pero kuwento ni Alex, nagkasama na sila ni Chard mga six years ago sa youth-oriented show ng GMA na Click.
Noon pa ay napansin na raw niyang sobrang guwapo ni Richard, pero nu’ng Click days nila ay magkakabarkada sila nito nina AJ Eigenmann, Bryan Revilla at Railey Valeroso.
"Ako lang ‘yung girl sa barkada. One of the boys ako. Lalake ang tingin sa akin ni Richard!" hirit pa ni Alex.
Happy ba siya na maging bahagi ng Kamandag?
"Oo naman, sobra! Haping-happy ako. Sa totoo lang, sobrang na-excite ako. Although nu’ng binabasa ko ‘yung script, medyo kinabahan ako.
"Kasi, ‘yun nga, baka isipin ng mga tao na ilusyunada ako dahil type ko si Richard. Paano ko naman maiisip ‘yon, ‘di ba? Kaya lang, ‘yun ang sabi ng script eh, susundin ko na lang…"
Girl naman siya, ano bang masama kung naguguwapuhan siya kay Richard Gutierrez?
"Yeah, pero sobrang guwapo niya, eh! Hindi kami bagay!" dayalog ng dalaga.
Baket, guwapo rin naman mga naging nobyo niya noon gaya nina Polo Ravales at Oyo Sotto, ah?
"Ha? Ha! Ha! Ha! Iba ‘yung guwapo ni Richard, eh! Sobrang guwapo!!!" tili niya.
Bongga kung may ‘seduction scene’ sila ni Chard na aakit-akitin niya ito…
"Eeewww! Hindi ko kaya! Nahihiya ako! Ha! Ha! Ha! Ha!" pa-girl na halakhak ni Alex.