GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, December 26, 2007

GMA, bongga ang pasabog sa '08!'
(JUN NARDO)


PALABAN na naman ang GMA Network sa 2008 kung pagbabasehan ang TV plugs ng bagong shows na napapanood na ngayon sa TV. Pagdudahan man ang mataas na ratings ng show, hindi sagabal ‘yon upang ibuyangyang sa publiko ang line-up na nakatakdang palabas ng network.
Impresibo ang buwena-manong handog na Joaquin Burdado ni Robin Padilla (kasama ba si Iza Calzado). Tama ang sinabi ng programa manager na si Redgie Acuna (minus the Magno surname ng ex-hubby niya) na lahat ng nakalagay na tattoo ni Robin ay gumagalaw, huh!
Pang-primetime rin ang TV version ng Sharon Cuneta starrer na Babangon Ako’t Dudurugin Kita! Bida rito sina Yasmien Kurdi at JC de Vera.
Gagawin din ng GMA ang Dyesebel ni Mars Ravelo. Wala pa nga lang kumpirmadong artista kung sino ang gaganap sa well-loved sirena ng Pinoy. Si Rhian Ramos kaya si Dyesebel ng bagong henerasyon?
Ang tiyak na gigimbal sa TV screen ay ang pagsasama nina Darna at Captain Barbell sa isang series.
Of course, alam ng lahat na si Richard Gutierrez ang unang gumanap na Captain Barbell. Pangit naman kung hindi siya ang lalabas na Pinoy superhero, huh!
Ang kaabang-abang ay kung sino ang lalabas na bagong Darna na iniwan ni Angel Locsin. Si Marian Rivera na ba?
Naku, idemanda man o hindi, pagdudahan man o hindi ang ratings ng GMA, patuloy pa rin sila sa pagsabog ng kasiyahan sa publiko sa darating na 2008.

No comments: