Marian Rivera resumes hectic schedule after Las Vegas trip
Nora Calderon
Monday, December 10, 2007
Nora Calderon
Monday, December 10, 2007
A still beautiful but haggard-looking Marian Rivera came late at the presscon of Desperadas at Imperial Palace Suites along T. Morato Extension, Quezon City, last night, December 9. Nag-sorry siya sa mga inabutan pang entertainment press dahil wala raw sa schedule niya that day ang naturang presscon.
Nag-start ang Sunday niya sa promo ng Desperadas sa SOP, kung saan sumayaw na sila ng co-stars niyang sina Rufa Mae Quinto at Iza Calzado. Pagkatapos ay tumuloy siya sa shooting ng Valentine movie nila ni Richard Gutierrez for GMA Films and Regal Entertainment, A Very Special Love. From the shooting, nag-pictorial din sila ni Richard for their movie, tapos balik sila ulit sa shooting.
"Doon nga po sinabi sa akin na kailangan ko raw pumunta sa presscon kahit thirty minutes lang," paliwanag ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nang magkita kami ni Rufa Mae sa SOP, sabi niya may presscon daw siya ng Desperadas. Sabi ko, ako wala. Akala ko dahil nag-solo presscon na ako noon, yun na ‘yon, kaya nagulat po ako nang sabihing kasama pala ako sa presscon.
"Malayo po yung location ng movie namin [ni Richard]. Sa dulo na po yata ‘yon ng Tandang Sora sa Quezon City, kaya po medyo na-traffic na rin kami papunta dito. Pagkatapos po dito, tutuloy muna ako sa GMA Christmas show sa Marikina Sports Center para magpasalamat sa success ng Marimar. ‘Tapos, babalik ako sa shooting. Wala na siguro akong tulog, tuloy na ako sa taping ng Marimar dahil 6:00 a.m. ang call time namin."
Dahil sa sobrang hectic ng schedule niya ay tinanong siya ng ilang entertainment press kung alin ang mas gusto niya—trabahong walang tulog o walang trabaho?
"Walang tulog na lang po kesa walang work!" natatawang sagot ni Marian.
Pinuna rin ng entertainment press na parang hindi siya napansin ng Desperadas co-stars niyang sina Ruffa Gutierrez at Rufa Mae Quinto nang maupo siya sa tabi ng dalawa sa presidential table, kaya nga hiniling nila kay Direk Manny Valera kung puwedeng kausapin na lang sa ibang table si Marian.
"Wala po sa akin ‘yon dahil ini-interview naman sila ng TV crew nang dumating ako," sabi ni Marian. "‘Tsaka wala naman po akong naging problema sa kanila noong sama-sama kaming nagsu-shooting ng Desperadas. Masaya po kami sa shooting, lalo na si Ruffa na very warm palagi sa aming lahat."
Nakapagdesisyon na raw ang Regal Entertainment na sa float ng Desperadas sasakay si Marian para kumpleto silang apat nina Ruffa, Rufa Mae, at Iza Calzado. Marami raw naman kasi ang cast ng isa pa niyang filmfest entry, ang Bahay Kubo.
Kinumusta rin namin kay Marian ang trip nila ng leading man niya sa Marimar na si Dingdong Dantes sa Las Vegas noong nakaraang linggo. Totoo bang napaaga ang paglabas nila sa stage dahil sa sigawan ng mga tao at pagkatapos nilang mag-perform ay nag-alisan na rin ang karamihan sa mga nanood?
"Ang saya-saya po at very warm ang pagtanggap sa amin ng mga kababayan natin doon," masayang kuwento ni Marian. "Hindi nga po namin in-expect ni Dong na ganun karami ang manonood sa amin. At totoo po na kailangang palabasin na kami sa stage kahit hindi pa namin time, dahil nagsisigawan na ang mga tao. Pagkatapos po ng number namin, umalis na rin kami kaya hindi namin alam kung totoong nag-alisan na rin ang ibang tao at hindi na pinanood ang mga sumunod na numbers sa amin. Sayang na hindi na kami nagkaroon ng time na mamasyal doon, kailangan na kasi naming bumalik dahil sa iniwanan naming taping at ibang commitments dito."
Hindi na rin nakaligtas si Marian na magbigay ng comment sa tawag sa kanya ni Katrina Halili na "the girl" noong thanksgiving party nila ng Marimar sa GMA Network Center last November 30. Napansin kasing hindi sila talaga nagbatian at hindi siya tinawag ni Katrina sa pangalan niya.
"Wala po akong personal na galit kay Katrina," giit ni Marian. "Lahat po ay pinakikisamahan ko sa set, nagri-reach out po ako sa kanila. Kung ayaw po niya sa akin, wala akong magagawa.
"Baka po nag-i-in character lang kami dahil sa mga roles namin na magkaaway. Pagkatapos ng take, hiwalay na kami. May kanya-kanya kasi kaming lugar sa taping at hindi rin kami nagkakasabay kumain dahil madalas ayaw niyang kumain. Pero ako, dahil po sa dami ng trabaho ko, talagang kumakain ako. Wala naman po kaming negative past ni Katrina dahil sa Marimar pa lang kami talaga unang nagkatrabaho," paliwanag ng young actress.
Bago tuluyang umalis si Marian, nag-pictorial muna sila nina Ruffa at Rufa Mae, kasama si Mother Lily Monteverde. Wala si Iza na may previous commitment daw kaya hindi nakarating.

No comments:
Post a Comment