GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, December 15, 2007

Alessandra, nahihiyang tuklawin si Richard!

Jun Nardo
December 15, 2007
~~~~~~~~~
PUMASOK na nga si Alessandra de Rossi sa Kamandag. Last Thursday ay nag-taping na ang dalaga, at gaganap siya bilang stepsister ni Maxene Magalona na aapi-apihin niya.
~~~~~~~~~
"Pero mami-meet ko si Richard (Gutierrez) at isi-save niya ako. Magkakagusto ako sa kanya.
Siyempre, si Richard, ‘yon ang gusto! Siyempre, ilusyunada naman ako kasi ang itim-itim ko," kuwento ni Alex.
~~~~~~~~~
May kissing scene ba sila ni Richard?
"Huwag naman! Nakakahiya sa mga fans niya!" tila bading na reaksiyon ni Alessandra.
"Pero, ang guwapo ni Richard, ‘no?" hirit pa niya.
Bakit, ayaw ba niyang maka-kissing scene ang aktor? Ayaw ba niyang tuklawin ang mga labi ni Richard?
~~~~~~~~~
"Ay, hindi ko sinabi ‘yan, ha! You’re putting words into my mouth. Wala akong sinabing ganoon!
"Sabi ko lang, nakakahiya dahil sobrang guwapo niya!" pahayag ng aktres.
~~~~~~~~~
Pero, nagkasama na noon sina Alex at Richard sa GMA youth-oriented series na Click, di ba?

~~~~~~~~~
"Sa amin siya nag-start sa Click. Second time na namin after six years. Wala pa kaming eksena.
~~~~~~~~~
"Oo, napansin ko na guwapo siya at alam din niya ‘yon. Magkabarkada kami noon. Kasama ko ang mga boys at ako lang ang girls sa grupo nina AJ (Eigenmann), Railey (Valeroso).
~~~~~~~~~
"Magkakabarkada kami kaya lalaki ang tingin sa akin ni Richard," kuwento niya.
~~~~~~~~~
Okey lang ba na meron silang kissing scene ni Richard?
~~~~~~~~~
"Okey lang! Basta type niya, huh!
~~~~~~~~~
"Ang guwapo niya. Tatanggi pa ba ko roon! Choosy pa ba ako? Hello?
~~~~~~~~~
"I’m sure, ang sasabihin lang ng mga tao, ‘Ang suwerte ng baklang ito!’ Wala man lang magsasabi na, ‘Ang suwerte ni Richard, nahalikan niya si Alex’ Ha! Ha! Ha!
~~~~~~~~~
"Maski lalaki, sasabihin, suwerte ako!" tumatawang sabi ni Alex.
~~~~~~~~~
Bad girl na naman siya sa Kamandag. Hindi ba siya nagsasawa na gumanap na kontrabida?
~~~~~~~~~
"’Yon ang offer, eh. Sinabi ko rin naman na after nito, kung meron pang kontrabida, pag-iisipan ko muna. Hindi ‘yung game. Kailangan ko munang mag-isip," say niya.
~~~~~~~~~
Mas okey siguro kung multo na lang uli ang papel na gawin niya, para maiba naman.
~~~~~~~~~
"Oo, ‘yung mga ganoon para maiba naman! Iba namang atake.
~~~~~~~~~
"Kasi, for so many years, iisa lang naman ang linyang sinasabi ko. ‘Maghihiganti ako! Papatayin ko siya! Kailangan kong makuha ang sa akin!’ Eh, never namang naging akin ‘yon. Kung anuman ‘yon! Nakakapagod na siya, di ba?" lahad ni Alex.

No comments: