GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, December 9, 2007

Annabelle, kumain ng dahon sa puno

JUN LALIN
December 10, 2007



Kahapon pagkatapos ng promotions ng Resiklo sa S.O.P. ay niyaya kong kumain sa Italiani’s-Tomas Morato si Michelle Madrigal.
Sumunod sa amin si Annabelle Rama, na manager na ngayon ni Michelle.
Aba, sinumbatan ako ni Bisaya! Hindi ko raw isinusulat si Michelle.
"Naku, tita, ganyan ka naman, hindi mo binabasa kapag isinusulat ko si Michelle," sagot ko kay Bisaya at natawa lang siya.
Bukod sa pagkain, nabusog din kami ni Michelle sa mga kuwento ni Bisaya tungkol sa mga eksena ng anak niyang si Richard Gutierrez sa Kamandag ng GMA 7.
Sey ko kay Bisaya, aware ako sa bawat episode ng Kamandag dahil pinate-tape ko ito.
Sa lahat ng naging series ni Richard sa Siyete, ang Kamandag ang pinakapaborito ko at walang episode nito ang pinalalampas ko.
Pagkaalis pala namin ng Italiani’s ay nakisakay sa sasakyan ko si Bisaya dahil ipinahatid niya sa kanyang driver si Michelle.
May mga batang kalye na lumapit kay Bisaya at binigyan niya ng pera ang mga ‘yon.
"Naaawa ako kapag may mga batang kalye na lumalapit sa akin. Binibigyan ko sila ng pera para makakain sila.
"Noong lumaki kasi ako sa orphanage, may oras ang pagkain namin, kaya kung hindi pa nagse-serve ng pagkain, pati mga dahon sa puno na pwedeng makain, kinakain ko," kuwento ni Bisaya tungkol sa kanyang childhood, at halos naiyak ako.
S
a pakikipagtsikahan ko pa kay Bisaya ay biniro ko siyang maraming fans ng anak niyang si Ruffa Gutierrez ang ‘nabuhay’ at gustong sumuporta sa premiere night ng Desperadas sa Disyembre 23 sa SM Megamall.
Sey ko kay Bisaya, pati ang Ruffa-Zoren (Legaspi) fans ay gustong manood ng premiere night ng Desperadas. Natawa siya.
"Puro ka naman kasi biro. Pero simba ko lang talaga, marami talagang excited na mapanood ang Desperadas.
"Ang mga kumare ko nga, manonood daw sila sa January 1 ng Desperadas," sey ni Bisaya.

No comments: