Abu Tilamzik
Abante Tonite
December 16, 2007
Pagkatapos lumabas itong expose ng ABS-CBN 2 laban sa AGB Nielsen, sunud-sunod ang text messages na natanggap ko bilang reaksyon kaugnay rito.
0926-514-3637: "Nilampaso lang ng Marimar ni Marian Rivera at Kamandag ni Richard Gutierrez ang pinagmamalaki ng ABS-CBN na Maging Sino Ka Man, nagdemanda na sila agad sa AGB Nielsen. Kung may daya ang mga ratings, bakit pinagsisigawan din nila angresulta ng AGB Nielsen sa NUTAM, na NO. 1 sila, Eh di may daya din pala ‘yang resulta na No. 1 sila sa NUTAM."
0905-372-5313: "Napikon ang ABS-CBN, dinemanda ang AGB Neilsen, tinambakan kasi ng Kamandag at Marimar ang Maging Sino Ka Man."
0918-432-1677: "Kunsabagay sa Pilipinas, wala naman natatalo. Ang meron lang, ang nananalo lang at dinaya. Simple lang naman ang solusyon. Kung hindi sila naniniwala sa Nielsen, huwag na sila mag-subscribe.
But the again, there’s that saying that Nielsen is the currency of the industry."
Dagdag na reaksyon ng ilang subscriber ng GMA Pinoy TV at TFC sa Amerika, kahit doon daw ay may mga complaints din sa Nielsen, pero walang napatutunayan.
Anyway, narito ang overnight ratings ng GMA 7 at ABS CBN 2 nu’ng HUWEBES (Disyembre 13) na kinalap ng AGB Nielsen Media Research sa Mega Manila Households:
SiS 11.2% vs. Boy and Kris 9.1%;
Takeshi’s Castle 15.6% vs. Game Ka Na Ba 16.4%;
Eat Bulaga 22.3% vs. Wowowee 17.1%;
Daisy Siete 20% at Pasan Ko ang Daigdig 19.2% vs. Prinsesa ng Banyera 11.1%;
My Only Love 16.3% vs. Pinoy Movie Hits 11.7%;
Couple or Trouble 15.3% at Whammy 20.4% vs. Deal or No Deal 17.7%;
24 Oras 32.9% vs. TV Patrol 23.2%;
Zaido 32.5% vs. Princess Sarah 23.5%;
Kamandag 37.4% vs. Lastikman 24.4%;
Marimar 44.3% vs. Maging Sino Ka Man 18.7%;
La Vendetta 32.9% vs. Ysabella 18.9%;
Hwang Jini 19.2% vs. Pinoy Big Brother 22.1%;
Magpakailanman 18% vs. Bandila 10.2%.
GMA Livestreaming: Thanks to mytvko
Sunday, December 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment