GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, December 27, 2007

Richard, inagawan si Dingdong!

Alfie Lorenzo




ABA!


Parang naagawan agad ni Richard Gutierrez ng leading lady si Dingdong Dantes, ha! Hindi pa nga natatapos ang Marimar, heto at napunta na agad si Marian Rivera kay Richard!
Kunsabagay, sa mga leading men ngayon sa GMA, sina Richard at Dingdong lang naman talaga ang puwedeng mag-agawan sa mga babae. Eh, parehong guwapo, malakas ang sex appeal, at malakas sa mga tao.
Sa picture nga nina Marian at Richard na kinunan ni Boy Borja sa premiere night ng Desperadas, kitang-kita na may chemistry agad ang dalawa, ha! Aba, parang aabangan nga agad ng mga fans ang movie nila sa February.
Pero siyempre, iba pa rin si Dingdong sa buhay ni Marian. Una namang minahal ni Marimar si Sergio, kesa kay Kamandag.

No comments: