GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, December 15, 2007

Nitz Mirales
Journal Online
December 15, 2007


KILIG-KILIGAN si Alessandra de Rossi sa pagpasok sa Kamandag dahil mai-involve ang character niyang si Eleanor kay Vergel (Richard Gutierrez). Guwapung-guwapo ito sa actor at kung magkakaroon sila ng kissing scene, siya ang sasabihing masuwerte. “Sobrang guwapo niya kaya at ’pag nagkaroon kami ng kssing scene, ang reaction ng viewers, masuwerte si Alex na nahalikan ni Richard and not the other way around,” tsika nito. Bad girl na naman si Alex sa suspense serye at aapihin ang half-sister niyang si Lily (Maxene Magalona). Kaya siya pumayag dahil kina Richard, Maxene, Direk Mark Reyes at dahil normal ang role niya’t walang costume. After this, pag-iisipan na niya kung tatanggap pa ng kontrabida role. “Pagod na ako sa pagiging kontrabida, pero walang angst ’yun, ha! I need to grow, I can’t do the same role all the time. Sawa na rin ako sa same dialogue, kailangang maiba naman.” Naniwala kaming love ni Alex si Maxene, dahil nang magkita sila sa taping, nagyakapan. Second time na nilang magkasama sa Kamandag, dahil nagkasama na sila sa Hanggang Kailan at magkapatid din ang role nila, bagay na hindi niya maintindihan. Maputi at maganda raw si Maxene, samantalang siya’y, negra. Hahaha!

No comments: