GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, December 11, 2007

Abante Online
Alfie Lorenzo
December 11, 2007
Patindi nang patindi ang mga eksena sa Kamandag, na bida si Richard Gutierrez. Tulad ngayong gabi, magpapadala si Haring Gulag ng halimaw na ahas sa lupa, na mas kilala bilang si Bakum!
Siyempre, magtatagisan ng tapang ng kamandag sina Kamandag at Bakum.
Pero, ang problema ay makukuha ni Bakum si Jenny. At ano kaya ang gagawin ni Kamandag ngayon? Mailigtas kaya niya si Jenny sa kamay ng isang matapang na halimaw?
Samantala, mapapatay ni Roilo si Domeng dahil sa hinahanap niya si Vergel para siya sanang paghigantihan sa pag-aakalang ito ang pumatay sa anak.
Maabutan pa kayang buhay ni Vergel ang ama-amahang si Domeng?

No comments: