GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, December 27, 2007

Richard, 'di marumi ang balat!

Rey Pumaloy


BIGLANG naalarma si Annabelle Rama sa naririnig na tsismis tungkol sa kanyang sikat na anak na si Richard Gutierrez. May isang blind item kasi na lumabas na diumano ay may isang sikat na matinee idol ang marumi ang balat at puro butlig.
Eh, bagama’t hindi naman tinutukoy sa blind item na si Richard `yon, ipinalagay agad ni Annabelle na ang anak nga niya ang tinutukoy.
Tinawagan nga kami ni Tita Annabelle para usisain tungkol doon. Sabi niya, narinig daw niya `yon sa isang radio program.
Sa totoo lang, natawa kami kay Tita Annabelle. Kasi naman, ang naging basehan lang niya kung bakit sa tingin niya ay si Richard ang tinutukoy ay dahil sa salitang sikat na matinee idol.
Kunsabagay, kapag sikat na matinee idol ang pinag-uusapan, agad ngang papasok sa isip mo ang pangalan ni Richard.
Eh, isa pa raw sa clue sa blind item ay walang girlfriend ngayon ang naturang matinee idol. Eh, wala raw girlfriend ngayon si Richard.
Well, hindi nagagalit si Tita Annabelle sa tsismis na `yon. Sabi nga niya, baka nga marumi ang balat ni Richard, at nakakahiya `yon.
Pero sa tingin ni Tita Annabelle, nung huli niyang nakita ang anak ay makinis na makinis ito, at wala nga raw ni katiting na mantsa ang balat nito.
Sa totoo lang, si Richard ang isa sa pinakamabango at pinakamakinis na artista na nakita namin. Aba, kahit ngarag na ngarag siya sa trabaho, hindi pa rin nababago ang kinis ng balat at bango nito.
Anyway, nakiusap sa amin si Tita Annabelle na isulat namin na hindi si Richard ang tinutukoy na matinee idol sa blind item na `yon.
Naku naman, kahit naman hindi makiusap si Tita Annabelle sa amin, ang mga tao na mismo ang magsasabi na hindi si Richard ang tinutukoy na matinee idol na marumi ang balat at puno ng butlig.
Ang kinis-kinis ni Richard, `no!

No comments: