GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, December 28, 2007

Mark, inspirado kay Richard!

Ruel Mendoza





SOBRA-SOBRA ang pasasalamat ni Mark Anthony Fernandez sa taong 2007 dahil sa muling pagsigla ng kanyang showbiz career. Inamin ni Mark na ilang beses niyang iniyakan ang pagkawala noon ng kanyang career nang dahil sa mga nangyari sa kanya.
Pero ngayon ay namamayagpag siya bilang primero kontrabida ni Richard Gutierrez sa top-rating telefantasya na Kamandag.
"Happy ako talaga. Hindi ko inaasahan na magtatagal ulit ako sa trabahong ito. After ngang ibigay sa akin ang role sa Impostora, pinagbuti ko talaga. Gusto kong ipakita na nagbago na ako. Heto na ang bagong Mark Anthony Fernandez, ready to work again.
"Kaya nagpapasalamat ako sa GMA-7 for giving me another chance. Minsan nga naiiyak ako dahil sa mga magagandang nangyayari sa akin. Nandiyan ang asawa ko at ang anak ko para suportahan ako.
"Ang ganda ng nagdaang Christmas namin, eh. Masaganang-masagana. Kaya ngayong pagpasok ng Bagong Taon, mas marami akong maise-share na blessings sa pamilya ko," maluha-luhang sabi ni Mark.
Wala raw problema kay Mark ang pagiging kontrabida, dahil malaking artista naman ang sinusuportahan niya sa Kamandag.
"Maganda ang rapport namin ni Richard (Gutierrez). Okey siyang katrabaho. Mabait at napaka-down to earth. Kahit na isang malaking artista na siya ngayon, napaka-humble.
"Kaya naman kapag may mga eksena kami, nai-excite ako kasi gusto kong makita ‘yung intensity niya as an actor. Nakaka-inspire kasi ang mga tulad niya. Ako naman, ayokong manapaw kung ‘di ko rin lang eksena. Show ni Richard and Kamandag kaya siya dapat ang mag-shine nang husto. I will shine sa sarili kong mga eksena," say na lang ni Mark.

No comments: