GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, December 30, 2007

Abante Tonite
December 30, 2007



Naging malapit sa puso ng mga Pinoy, bata man o matanda, ang Kamandag dahil sa kwento nito tungkol sa isang nilalang na naghahanap ng pag-ibig, pamilya at layunin niya sa buhay matapos matuklasan ang kapangyarihan.
Pinangungunahan ito ni Richard Gutierrez bilang si Vergel at Kamandag, ang bagong Pinoy superhero na kalahating tao at kalahating ahas na ginagamit ang kapangyarihan sa kabutihan.
Ang Kamandag ang huling pasabog ng GMA-7 sa 2007 na nagsimula noong Nobyembre 19 at nakakuha ng overnight ratings na 42.7% sa pilot episode nito.
Simula noon, patuloy na mataas ang ratings na nakukuha nito at tinututukan nang husto ng maraming Filipino.

No comments: