GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, December 14, 2007

ALAN DIONES
ABANTE TONITE
DECEMBER 14, 2007


Bukod sa Marimar, isa sa mga programa ng GMA 7 na pinanonood ng mga kababayan natin sa Middle East ay ang ‘ahaseryeng’ Kamandag ni Richard Gutierrez na kasisi-mula lang iere sa Orbit Satellite TV.
May isang Pinay na misis kaming nakatsikahan sa Abu Dhabi na sobrang avid viewer ng GMA Pinoy-TV ang nagdayalog sa amin na gusto niya ang Kamandag ni Richard, kaya lang ay natatakot siya kapag nakikita ang mga buhay na ahas.
Ang lakas ng dating ng kontrabida ni Richard sa Kamandag na si Mark Anthony Fernandez. Isang lady entertainment editor ang kinikilabutan sa tuwing nagiging taong-ahas na si Mark.
Parang hindi niya raw matingnan lalo na ‘pag lumalabas ang kumikislut-kislot na dilang-ahas ni Mark.
Mamayang gabi sa Kamandag, isasama ni Lucero (Mark Anthony) si Vergel (Richard) sa bahay nila sa Maynila.

No comments: