GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, December 28, 2007

Richard Gutierrez, aliw kapag ‘ngenge’!

Allan Diones
Abante Tonite


Ang sarap-sarap sanang i-quote ni Ma’am Wilma Galvante (SVP for Entertainment ng GMA) sa iba’t ibang topic na napagtsikahan namin sa Christmas party ng Kamandag sa Serve disco bar nu’ng Setyembre 23, kaya lang ay halos panay pang-off the record ang usapan.

***
After mag-judge ni Ma’am Wilma sa ‘Bini-bining Ambograw’ gay beauty contest ng mga staff and crew ng Kamandag ay nag-stay pa siya sa party at naki-table sa amin nina Joe Barra-meda at Anna Pingol para tsumika-tsika.

***
Kung saan-saan napunta ang kwentuhan: mula sa demanda ng ABS-CBN sa AGB Nielsen, sa planong demanda ng GMA laban sa ABS, hanggang sa mga bagong pasabog na programa ng Siyete sa 2008.

***
Kagagaling lang namin that night sa premiere ng Desperadas at before the movie ay ipinakita ang teaser ads ng upco-ming primetime shows ng Kapuso network, na nakapaloob sa cliffhanger teaser ng Valentine movie ng GMA Films na A Very Special Love with Richard Gutierrez and Marian Rivera (na ‘she’s co-ming’ pa lang sa nasabing movie ad).
***

May mga bida na ang Joaquin Bordado (Robin Padilla & Iza Calzado) at Babangon Ako’t Dudurugin Kita (Yasmien Kurdi, JC de Vera, Angelika dela Cruz & Marvin Agustin), pero wala pang ipinakitang bida sa Dyesebel at Captain Barbell Meets Darna.
***

Nakakaintriga ‘yung teaser ng dalawang huling shows dahil hindi ipinakita ang mukha nu’ng tatlong fantasy characters dahil wala pang final casting.
***

In fairness ay um-agree si Ma’am Wilma nang sabihin naming mukhang walang ibang puwedeng gumanap na bagong Darna kundi si Marian Rivera na hot na hot ngayon dahil sa Marimar. Kung hindi si Marian ang itatambal sa superhero character ni Richard Gutierrez (na malamang siya pa ring gumanap na Captain Barbell) ay baka hindi magswak ang pairing.
***


‘Yung Dyesebel role ay puwedeng gawing mas wholesome na mala-Disney character ang dating, so hindi kailangan ng sexy star dahil mas magiging pambata ang show. Pasok doon si Rhian Ramos kung saka-sakali.
***


Dobleng lakas ang pinagsamang puwersa nina Darna at Captain Barbell kaya ngayon pa lang ay may surefire hit na ang Siyete sa 2008. Magandang intro rin ang Richard-Marian movie sa napipintong pagsasama ng Primetime King and Queen ng GMA sa Captain Barbell Meets Darna.


*********


Balik sa Christmas party ng Kamandag. Sa short speech ni Ma’am Wilma ay kinongratuleyt niya ang cast and crew ng programa dahil sa 40+ ratings na nakukuha nito lately. Bukod doon ay palagi raw overloaded sa commercials ang Kamandag, sabi ni Ma’am Wilma.
***
Ang saya ng party sa Serve dahil lahat ay ganadong magsayawan. Nakita naming kasayaw ni Eula Valdes ang balikbayang mister na Richard Litonjua. Sina Ehra Madrigal at Maxene Magalona ay aligaga sa paghu-host ng parlor games.
***
Halatang may magandang ‘namamagitan’ sa bida ng show na si Richard Gutierrez at sa isa sa leading ladies niya na si Jewel Mische dahil nang yayain ni Chard si Jewel sa dance floor, lahat ay sabay-sabay na nagtilian na para bang kinikilig sa dalawa.
***
Ang daming pina-raffle na cash prizes ni Richard para sa lahat ng katrabaho niya sa Kamandag. Dati na naming lab si Richard pero mas naging lab pa namin siya nu’ng gabing ‘yon dahil first time namin siyang nakita na ‘ngenge’ at sobrang aliw na aliw kami sa kanya!

2 comments:

Anonymous said...

dyesebel - sa tingin ko hindi bagay kay rhian na maging dyesebel (sensya sa mga maka rhian)

CAPTAIN BARBEL mits DARNA - sana si CHARD pa din ang CB ang gaganap na darna, wala pang idea ^_^ pero para sakin pasok sila MARIAN, EHRA, DIANA, JEWEL,KATRINA

Anonymous said...

wow...super nice nman c richard bagay din cla ni Marian for New Movie...pro nkakakilig yung mga tinginan nila ni jewel...jewel is very pretty kahit wlang make up...
and super nice din...