GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, December 2, 2007

Maxene `di raw bibigay kay Richard

December 02, 2007 04:01 PM Sunday
By: Noel Asiñas



PANGANGATAWAN ni Maxene Magalona ang sinabi niyang wholesome ang gusto niyang maging image sa showbiz. Kahit ganap na siyang dalaga at the age of 21, mistulang menor-de-edad pa rin ang isip ni Maxene. At kahit magtatapos na siya sa kolehiyo (sa Ateneo de Manila University) next year, feeling daw ni Maxene ay high school student lang siya.
Wika niya sa set ng Ka-mandag kung saan siya ang pinaka-leading lady ng bidang si Richard Gutierrez: “Nakilala ako sa sweet image, gusto kong pangatawanan ito sa buong acting career ko. Sa tingin ko ay hindi bagay na magpaseksi ako at magkaroon kissing scenes sa screen. May kani-kanyang image naman ang mga artista, di po ba?”
Tatatagan daw ni Maxene ang sarili kahit na sobrang crush niya si Richard. Nagawa na raw ni-yang ‘umiwas’ kay Chard noon nang tanggihan niyang maging leading lady sa Mulawin. Mas pinili raw kasi niya ang pag-aaral noon.

No comments: