PEP
Ruel Mendoza
Wednesday, December 5, 2007
Nakisama ang panahon sa muling pagsapit ng anibersaryo ng Walk of Fame sa Eastwood City Gardens sa Ortigas, Pasig City, na pinamunuan muli ni German "Kuya Germs" Moreno kagabi, December 4. Sa ikatlong taon ng Walk of Fame, ang mga artistang binigyan ng kanilang sariling stars ay sina Regine Velasquez, Richard Gutierrez, Piolo Pascual, Gina PareƱo, Snooky Serna, Celia Rodriguez, Charo Santos-Concio, Kuh Ledesma, Kris Aquino, and the late Juancho Gutierrez. Ang dumalo to represent Juancho ay ang maybahay nitong si Ms. Gloria Romero. Dalawang taon na mula nang namaalam ang mister ni Gloria. Nagpasalamat ang dating movie queen kay Kuya Germs dahil nabigyan pa rin ng importansiya ang pagiging artista ng kanyang yumaong mister. Dumating din ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao na nabigyan na ng kanyang star last year, pero hindi ito nakadalo dahil nasa ibang bansa siya that time. Nagmadaling pumunta si Pacman sa Eastwood para pasalamatan si Kuya Germs at makita niya ang star niya sa naturang venue. Humingi pa ng paumanhin si Pacman kay Kuya Germs dahil noong isang taon ay hindi nga siya nakadalo. Pero kahit daw sobra ang traffic, pinilit niyang makarating sa Eastwood para ipaabot ang personal niyang pasasalamat. Siyempre pa, dinumog nang husto si Piolo Pascual ng entertainment press upang tanungin tungkol sa pagdedemanda nila ni Sam Milby kay Lolit Solis. Hiningan ng komento si Piolo tungkol sa balitang lumabas na si Senator Manny Villar daw mismo ang gagawa ng paraan para magkaayos na ang lahat sa pagitan nina Lolit, Piolo, at Sam. Nakangiti namang sinabi ni Piolo na hindi pa siya puwedeng mag-comment dahil wala pa raw siyang alam tungkol sa sinabi ni Senator Villar. Kailangan daw niyang magtanong muna sa kanyang management kung ano ang eksaktong pahayag ng senador para maayos ang maging komento niya. Pero nabanggit naman ni Piolo na mas maganda raw kung walang kaalitan sa nalalapit na Pasko. Hintayin na lang daw ang magiging official statement niya mula sa abogado nila ni Sam na si Atty. Joji Alonso regarding sa mga lumabas na balita involving Senator Villar.
No comments:
Post a Comment