GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, December 13, 2007

Siyete, mas tutok kay Marian kesa kay Richard

By: Vinia Vivar
Journal Online
December 13, 2007



AWARE kaya ang GMA-7 executives na masyado yatang nakatutok ang pansin nila sa Marimar project at sa bida nitong si Marian Rivera kaya tila napapabayaan na ang ibang contract stars? May nakapagbulong sa amin na isa sa medyo nakakalimutan yata ngayon ng network ay si Richard Gutierrez, na itinuturing pa namang prized possession ng GMA-7 among its male talents. Kapansin-pansin daw kasing hindi masyadong nabibigyan ng promo ang Kamandag na pinagbibidahan ni Richard at naka-focus lamang sa Marimar gayung mas kailangan ng young actor ang suporta since bago pa lamang ang kanyang teleserye. Sa nakaraang Christmas party for the press ng GMA-7, may mga nakapansin ding puro tarpulin lang ng Zaido at Marimar ang makikita, wala ang Kamandag. Bakit daw kaya ganu’n? Kung magpapatuloy ang pagpapabaya ng network sa iba nilang talents, hindi malayong sumunod si Richard kay Angel Locsin sa ABS-CBN, lalo pa nga’t mag-e-expire na ang kontrata niya next year.

No comments: