GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, December 6, 2007

Jun Lalin
Abante Tonite
December 07, 2007



Noong Martes ay naimbitahan ako ni German Moreno sa Walk of Fame Philippines, kung saan ay isa si Richard Gutierrez sa mga binigyan ng sarili nitong ‘star.’
Sa Eastwood City, Libis ang event na ‘yon at dinagsa ng fans.
Dumating din sa event na ‘yon si Piolo Pascual na sinamahan ng kanyang nanay at ilang mga kaibigan nito.
Si Kris Aquino ay present din dahil doon na sila nag-taping ni Boy Abunda ng kanilang Boy & Kris show.
Ang ilan pa sa mga dumating ay sina Regine Velasquez, Kuh Ledesma, Gloria Romero (na nag-represent sa namayapa na niyang mister na si Juancho Gutierrez), Snooky Serna (na hindi na-late, huh!), Gina PareƱo, Ms. Charo Santos-Concio, Celia Rodriguez at Angeli Pangilinan-Valenciano (representative ni Gary V.).
Humabol sa event si Vina Morales, pero late na late na siya. Dumating din si Manny Pacquiao, na nabigyan na ng sariling ‘star’ noong nakaraang taon.
Successful ang event na ‘yon ni Kuya Germs. Dalangin ng master showman na sa susunod ay dumating lahat ng kanyang mga pinararangalan sa Walk of Fame Philippines.
Sa ibang mga nagrereklamo dahil hindi pa sila nabibigyan ng sarili nilang ‘star’ sa lugar na ‘yon, nagpahayag si Kuya Germs na huwag mainip ang mga ito.
Sariling pera ni Kuya Germs ang ipinanggagastos niya sa Walk of Fame Philippines.

No comments: