GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, December 20, 2007

December 20, 2007 04:16 PM Thursday
Richard kuntento na sa pag-aalaga ng Kapuso network
By: Nitz Miralles



Tiniyak nina Annabelle Rama at Jun Lalin na walang uuwing walang regalo sa Christmas party for the press ng Gutierrez family, kaya pati dollars ipina-raffle na. Bukod sa ipinamigay na maraming regalo, masaya ang party sa banter ng mag-inang Annabelle at Ruffa Gutierrez. Tawanan ang press sa payo ni Annabelle kay Ruffa na para wala na siyang problema, palitan niya ang cell number para hindi na siya matawagan ng ex-husband. Para sa mga reporter, sina Raymond at Richard lang “normal” that night. Hahaha! May taping ng Kamandag si Richard at nagpaalam lang para ma-greet ng “Merry Christmas” ang writers at mag-thank you sa suporta sa kanilang magkakapatid at sa kanyang show.
~~~~~~~
Sa interview kay Richard, ayaw niyang patulan ang tsikang pinababayaan siya at ang Kamandag ng GMA-7 at mas pinapaboran si Marian Rivera at ang Marimar. Sabi ng aktor: “Hindi ako nagtatampo sa Channel 7 at ayaw kong palakihin ang isyung ’yan. Satisfied ako sa pag-aalaga sa akin at sa mga ibinibigay sa aking project at happy ako sa Kamandag. “I’m also happy for Marian sa kung anuman ang narating niya at show niya. Ang importante, GMA is doing good at masaya ako sa success ng network.”

No comments: