GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, December 22, 2007

Jewel Mische bagong inspirasyon ni Richard

By: Chan-Chan Torres
Eksenadora
December 22, 2007


TINALBUGAN ng Christmas party ng Gutierrez family ang lahat ng pa-Christmas party for the press ng mga artista recently. Ito ay ginanap sa Im-perial Palace at take note, lahat ay umuwing may bit-bit. As in, walang umuwing luhaan! Pinangunahan ni Ruffa Gutierrez at ng madir niyang si Annabelle Rama ang event na ‘yun. Naroon din si Raymond Gutierrez na tumulong sa pag-host ng party. In fairness, ang husay ni Raymond mag-host, magaling na siyang mag-Tagalog at spontaneous ang kanyang dialogue. Hindi gaya ng iba ri-yan na ang tagal na sa ‘Pinas, wa pa ring effort na mag salita ng Filipino. Masaya ang lahat dahil hindi ka-cheapan ang mga pa-raffle ni Tita Annabelle. Magagamit talaga ang mga ito sa bahay. For the minor prizes, naroon ang electric fan, walang katapusang rice cooker, airpot, blender, gas stove oven at ilang one thousand and three thousand pesoses na cash. For the major prizes, naroon ang aircon, refrigerator, Television, datung uli at mga DVD. O di ba, pabulosa talaga? What makes it extra special is the fact na naroon ang lahat ng entertainment press keber mang madalas o hindi nila sinusulat ang mga Gutierrez. Wala silang ganoong emote. Ayon pa kay Ruffa, it’s their way of giving back sa lahat ng blessings na ipinagkaloob din sa kani-la. Saka naniniwala ka-ming nasa publicist din ‘yan, kung kilala niya lahat ng mga sumusuporta sa artistang pinaglilingkuran niya. Eh, di walang nakaka-limutan sa mga ganitong okasyon. Kaya lahat ma-saya. Congrats sa lahat ng nagwagi!


* * *

LATE nang dumating si Richard Gutierrez sa na-sabing event sa Imperial Palace. Galing pa raw siya sa taping ng Kamandag (ng GMA-7) but he made sure he was able to make habol sa event for the press. Plea-sant ang dating sa amin ni Richard habang kausap siya ng ilang kaibigan sa panulat. Tinanong nga siya kung totoong lilipat na sila ng bahay dahil ipinapa-renovate pala nila ang family home nila sa White Plains. Say ni Richard, lilipat lang sila in a bigger house pero aniya, hinding-hindi raw nila ipagbibili ang dati nilang tinitirhan. May sentimental value yata sa kanila ang bahay na itectch kungkaya’t ipapaa-yos lang nila pero hindi nila ipagbibili kahit pa ilang bahay na ang kaya nilang ipagawa. Aminado rin si Richard na tumutulong siya sa pagpapatayo ng bahay nilang bago and he feels good about it. Nakatutuwa naman dahil nakikita naming responsable na ang bagets na ito at his young age. Si Jewel Mische ba ang inspirasyon now ni Richard?

No comments: