GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, December 6, 2007

Joe Barrameda
Abante Tonite
December 07, 2007

Dinumog nang husto ang taping ng Kamandag nu’ng isang gabi sa Tanay, Rizal.
Kinailangan tuloy na lumipat sila ng location.
Hindi lang sa telebisyon inaabangan ang Kamandag. Maski sa actual taping ay sinusundan ito, lalo na kapag naka-Kamandag suit si Richard Gutierrez.
Malakas ang karisma ni Richard na very accommodating sa pagpapa-picture at pag-o-autograph.
Nang makausap namin ang isang Kamandag follower ay tuwang-tuwa siya at aliw na aliw sa bilis ng pacing ng telenobela.
Hindi ito boring na gaya ng ibang telenobela na pinapahaba para lang tumagal ang showing sa ere.

No comments: