GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, December 26, 2007


Dingdong poor second lang kay Richard Gutierrez
By: Dinno Erece
Maling sabihin na ang pinakasikat na male star ngayon sa telebisyon ay si Dingdong Dantes dahil pinaka mataas ang ratings ng show niya. Maliwanag naman na sa palabas nila na ang bida ay ang babae, support lang siya bilang leading man. Isa pa, ‘yon bang nakakaraang mga serye ni Dingdong ay naging number one? Hindi naman, eh. Kung kami ang tatanungin, ang talagang number one ngayong male star sa telebisyon ay si Richard Gutierrez. Oo, pangalawa lang siya sa ratings, perosiya ang bida mismo at nagdadala ng Kamandag. May pruweba rin naman siya dahil ang lahat ng mga shows niya noong nakaraan ay consistent na mataas ang ratings simula pa sa Mulawin. Kaya kahit na anong tingin ang gawin mo riyan, si Richard ang talagang number one sa ngayon at hindi na nila mapapasinungalingan iyan.

1 comment:

Anonymous said...

who in the hell's freaking hell would say that? Of course Richard Gutierrez is a much bigger star than Dingdong Dantes!