GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, February 1, 2008

Abante
Jojo Gabinete

Female fan, obsessed na obsessed kay Richard! NAKAW-EKSENA sa presscon ng My Bestfriend’s Girlfriend si Judy Francisco, ang number one fan ni Richard Gutierrez mula sa Naga City.Sumulat si Judy sa staff ng Wish Ko Lang para matupad ang kanyang pa­ngarap na makita nang personal ang kanyang idolo.Pumunta ang WKL staff sa Naga City para sunduin si Judy at bigyan ng katuparan ang kanyang kahilingan.Noong Miyerkules, dinala ng WKL staff si Judy sa presscon ng My BFGF para magkita sila ni Richard. Pagpasok pa lang sa presscon venue, gusto nang sugurin ni Judy si Richard habang ongoing ang open forum pero naawat siya ng kanyang mga kasama.Habang hinihintay na matapos ang presscon, hindi inaalis ni Judy ang titig nito kay Richard at naluluha siya kapag nakatutok sa kanya ang mga kamera ng WKL.Tuluyang napaiyak si Judy nang tawagin ni Richard ang kanyang pangalan at nang yakapin siya ng aktor nang magkaharap sila.Obsessed at hindi simpleng paghanga ang nararamdaman ni Judy para kay Richard.Punumpuno ng mga litrato ni Richard ang kuwarto niya sa bahay nila sa Naga City. Hinahalikan niya ang kanilang TV screen kapag may kissing scene si Richard sa Kamandag at nagpapanggap si Judy na siya ang hinahalikan ng kanyang idolo.At ang pinakamatindi, hiniwalayan si Judy ng kanyang boyfriend dahil inamin niya na mas mahal niya si Richard.
***
Pinagtalunan ng mga reporter na dumalo sa presscon ng MY BFGF ang lady in red na nakaupo sa presidential table. Ang unang tingin ng mga reporter, si Giselle Sanchez ang nasa harap nila pero may nagsabi na si Samantha Lopez o Gracia ang lady in red.Parehong mali ang mga akala dahil si Charisse Solomon ang nakita ng entertainment press at introducing siya sa pelikula na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.“Kaibigan” ang role ni Charisse sa MY BFGF. Mahusay sa comedy si Charisse at kung lalo niyang gagalingan ang pag-arte, hindi imposible na maka-graduate siya mula sa mga “kaibigan” role.

No comments: