GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, February 6, 2008

JUN LALIN
ABANTE TONITE



Aminado si Richard Gutierrez na dahil sa shooting nila ng pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend ay lalo silang nagkalapit ni Marian Rivera.

Masyado raw silang comfortable sa isa’t isa, kaya during shooting breaks, nagkakauwentuhan sila at kahit ‘yung mga sikreto nila ay naise-share nila sa isa’t isa.

At anu-ano ang mga sikretong ‘yon?
“Basta, kami na lang ang nagkakaalaman. Hindi pwedeng ikuwento sa iba, ‘yon ang promise namin sa isa’t isa,” sey ni Richard.

Kapag nagkikita sila sa mga TV guesting para sa promotions ng My Bestfriend’s Girlfriend ay palagi silang nagbibiruan tungkol sa kanilang mga sikreto.

Anyway, dahil malapit na ang Valentine’s day, inu­sisa ng mga taga-GMA Films si Richard kung ano ang balak niyang iregalo kay Marian?

“Meron akong irere­galo sa kanya, pero secret pa muna. Once maibi­gay ko na sa kanya, siya na mismo ang tanungin n’yo,” sey ni Richard.

Sa Linggo na ang premiere night ng My Bestfriend’s Girlfriend at ngayong umaga ay live silang magpo-promote sa SiS.

No comments: