GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, February 15, 2008



Jun Nardo
Abante

TUMATABO nang husto sa takilya ang My Bestfriend’s Girlfriend nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na co-production ng GMA Films at Regal Entertainment.


Sabi nga ni Mot­her Lily Monteverde, mas malakas ang Ma­rian-Richard kesa sa Ri­chard-Angel Locsin movie noon.


“Mas malakas talaga. Lalo na nung Valentine’s Day. Walang padding ‘yon, huh!” say niya.


Sabi ni Mother, sa unang araw ng movie sa mga sinehan ay tumabo na ito ng sampung mil­yon, at wala raw talagang padding ‘yon.


“Sa Valentine’s Day, P20 million na ang kita ng movie! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang sabi pa rin ni Mother.


At dahil matagumpay nga ang movie, magbibigay sila ng victory party para sa press at sa lahat ng mga tao na tumulong at naging bahagi ng movie.

No comments: