GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, February 19, 2008

Richard, Valentine Box-Office King!

Abante
Alfie Lorenzo





UHUM, sana may award-giving body na magdadagdag ng bagong kategorya sa mga pinamumudmod nilang mga tropeo, for sale man o giveaways lang - para sa Valentine Box-Office King na kumpirmado na talagang walk-away winner itong si Richard Gutierrez, dahil apat na beses na nga na movie niya na itinatanghal sa mismong Araw ng mga Puso, ang siyang nanguna sa ta­kilya!


May ibang artista ba, babae man o lalake (o nagpapanggap lang na lalakwe!) ang nakahawak na ng rekord na ‘yan ng kakambal ni Raymond Gutierrez?


Uhum, kung sa ibang kumpanya lang ginawa ni Richard Gutierrez ang apat na pelikulang nagluklok sa kanya bilang top-rater pa ng GMA-7 ay siguradong uulan na ng confetti (na mas mada­mi pa sa isinasabog sa Makati circle) at sari-saring papuri, sandamakmak na write-ups and hallelujah at lalabas sa mahigit isang dosenang TV shows para ipagyabang ang achievements!


Pero bakit quiet lang ang GMA Films at Regal Films na siyang nagsosyo sa puhunan at naghati sa tubo? Scared kaya sa yabang ng kalaban?


Napatunayan na nga­yon na hindi artificial lang ang tagumpay ni Richard Gutierrez. He was but a “nobody” na ginawang bida sa “Let The Love Begin” kapareha ng isa pa ring “nobody” in Angel Locsin at itinapat nila ang showing ng movie na ‘yan sa Va­lentine’s Day presentation ng “Dream Boy” starring ang subok nang Box-Office attraction na si Piolo Pascual na relaxed na relaxed during his promo period for the movie na kuntento at tila siguradung-sigurado na tatalunan ng milya-milya sa takilya itong Richard-Angel starrer.


Kasi naman kapag si Judy Ann Santos ang kapareha ni Piolo Pascual ay hindi bumababa (repeat ha, hindi bumababa!) sa 100 million pesos ang box-office returns ng alinmang mo­vie nila.


Kaya sigurado ang papa ko na mailalampaso ng “Dream Boy” ang “Let The Love Begin”.


But as I have said, written and brag about as always, kinaba­han kami sa maaring ma­ging resulta ng laba­nan sa takilya. Being a newcomer in the game, Richard Gutierrez has nothing to lose.


And Piolo Pascual has his title at stake. At kagaya nga ng pina­ngambahan ko na palagi namang nagkakatutoo - nagpalitan ng title ang dalawang nagsalpukang pelikula sa ta­kilya ng Valentine’s Day.


Kesehodang Araw ng mga Puso ‘yun (na sadya sigurong ginawang Araw ng mga Kapuso?), Richard’s “Let The Love Begin” ay naging “Let The Fight Begin” at ang Dream Boy ng papa ko ay naging “nightmare”. Anoh, naging horror? Yes po, horror of horrors! Atras ang papa ko bahag ang buntot!


Mula noon ay iniwasan na ng Star Cinema na tapatan ang anumang Richard Gutierrez movie, basta on a Valentine playdate. Kita niyo naman at Feb. 27 na ang Sam-bilog-bilog-lumba-lumba mo­vie na ‘yan na pagkaganda-ganda ang chemistry ng mga bida: Sam Milby-Kristine Hermosa? Perfect! Sam Milby - Toni Gonzaga? Proven!


Kahit sinabi ng mommy ni Toni Gonzaga na pang-promo lang ang kuno-kuno eh “MU” nina Sam at Toni. Salamat daw Mommy Pinty, sabi ni Jun Lozada for telling the truth, also!


Ewan kung sino ang nagmamarunong na nag-isip na ang nagdadala lang sa tambalan nina Richard at Angel ay si Angel Locsin, kaya “kinalas” si Angel kay Richard at nagawan ng paraan na mag-ober da bakod ang Angel nilang inakalang makapag­liligtas kay Piolo sa tiyak na pagda-dive down sa popularity niya.


Richard minus Angel? Wala ‘yan! Lulubog na ‘yan! Wala nang ka-partner na sikat! Wala nang hihila sa kanya papataas!


Mga bintang na nag-boomerang at tumama ba sa pader! Tumama sa dala­wang tao. Hulaan niyo na lang kung sino at kanino tumama?


It seems sadyang takot kay Richard Gutierrez ang kung-sinuman. May bina­lak daw (daw lang, ha!) na pang-Va­lentine’s Day movie for Angel Locsin and Piolo Pascual. Pero nu’ng kumalat naman ang balita na si Richard Gutierrez ay may pang-Valen­tine’s Day movie uli with no less than Judy Ann Santos ang kapareha - biglang nawala ang balak ng Star Cine­ma na Piolo-Angel movie na pang-Va­lentine’s Day.


Pinabulaanan naman ng Star Cinema na may binalak silang movie for Piolo and Angel na pang-Valentines, noh! Oh yeah? Tell that to the marines? No - tell that to the senate!


Malakas ang tambalang Piolo Pascual at Angel Locsin, ha? Well, hindi movie ang inunang gawin kundi isang teleserye na “Lobo”.


At ano ang resulta, toprater ba? Hanggang sa araw na ito hindi pa rin makagulapay sa ratings ang “Lobo” na ‘yan. Hindi pa nga nakakalipad eh pumutok na! As of Thursday, February 14, 2008 ang ratings ng “Lobo” ay mababang 22.6% lang as compared sa nag-iisang Richard Gutierrez lang na nawalan ng Angel Locsin na ka-partner, ang “Kamandag” na is on (Sundan sa p. 10) a high 37.3%. Ang tindi talaga ng kamandag ng kambal nina Annabelle at Eddie G., huh!


Pati nga ang “Showbiz Central” ni Raymond Gutierrez ay umaariba rin versus kalabang ate Ruffa nila, huh!


Now where does this argument brings us? To the fact na mapa-pelikula man o mapa-teleserye eh, si Richard Gutierrez na ngayon ang current on top!


Talung-talo na nga niya si Piolo Pascual na ang teleserye ay mababa ang ratings at mas mataas pa ang ratings ng mga unknown kids sa “Kung Fu Kids”.


And pitted against Richard, hindi pa tinalo ni Piolo ang alinmang gross ng movies ni Richard na consistent box-office champion for four consecutive Valentine’s Day.


Piolo Pascual had four consecutive box-office champions too – but that is mga movies lang niya with Judy Ann Santos! Meaning, dinadala lang siya, binibitbit, at pasan-pasan lang ni Juday!


Eh, kay Richard Gutierrez? Siya mismo ang nagdadala sa sarili niya, no one else!

Richard’s “Kamandag” is 37.3% ang ratings at ‘yung kay Marian Rivera na “Marimar” ay unprecedented 40.5% making Richard and Marian the topraters of GMA-7.


Kaya katakataka ba kung ngayong pinagsama ang dalawa sa isang pelikula, itong Valentine’s presentation na “My Bestfriend’s Girlfriend” ay runaway winner sa takilya!


Kumpirmadong ang “My Bestfriend’s Girlfriend” ay ang pinakamalakas na Valentine movie ng GMA Films na co-produced ng Regal Films.


Imabot na sa 50 milyon ang kinita nito sa apat na araw na pagtatanghal pa lang. Hindi padded ‘yan. Unlike sa ibang film outfits na ‘yang 50 million na ‘yan ay gagawin ng 80 million kundi man 100 million agad like the Bea-John Lloyd movie (na tatalakayin namin sa Abante Tonite, basahin mamaya!).


Nagpasalamat na nga ang magkasosyong GMA Films at Regal Films sa isang victory party con-misa nung Linggo at nag-share sila ng blessings nila sa mga reporters na tumulong sa kanila sa publisidad. Unlike (again!) sa ibang producers na sila-sila lang ang nasa victory party kapag di nila type ang artistang kumita ng pelikula sa takilya - tama ba Roxy L.?


Hindi lang sina Richard at Marian ang may napatunayan dito kundi pati na ang direktor nitong si Mark Reyes. Mark directed the MMFFP entry of Bong Revilla na “Resiklo” which won the “best picture” award which should have been his uncle’s Joey Reyes “best picture” “best director” and “topgrosser award” for “Sakal, Sakali, Saklolo”.


Pero tulad sa mga senate investigation na nakakahilo, palibhasa politicians ang mga nagpapatakbo sa MMFFP ay nanalo ngang “best picture” ang dinirek ni Mark Reyes, hindi naman siya ang “best director” kundi ‘yung nagdirek ng movie na hindi naman nanalong “best picture”, noh bah?


But this time, Mark Reyes has proven na puwede rin naman pala siyang magdirek ng movie na kikita sa takilya. “My Bestfriend’s Firlfriend” is a non-traditional type of love story, a tricky romantic-comedy. Now, who can beat that for the moment?


Congrats to Richard and Marian, at patuloy niyong ikalat ang inyong mga kamandag, ha!

No comments: