GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, February 25, 2008

Eric Morales
Journal Online



SA Week 15, Day 1 ng nangungunang telefantasyang Kamandag, walang awang sasaksakin ni Kuran si Don Pepe at walang magagawa si Alicia para ipagtanggol ang ama.

Kukunin ng mga Ambog si Alicia, kahit pa dumating si Kamandag.

Habang nakikipaglaban ang huli, biglang darating ang isang taong lobo, si Doro, para tulungan siya.

Matitikman ng mga Ambog ang paghihiganti ni Kamandag dahil hindi ito titigil hangga’t hindi nababawi ang inang si Alicia.

Magugulat naman si Lucero na malamang si Don Pepe pala ang lolo niya.

Madaratnan niya itong humihinga pa, ngunit ipatatapos ito ng kanyang amang si Abdon.

Hindi makapaniwala si Vergel nang makita ang lolo na si Pepe.


Sagad hanggang buto ang galit niya, kaya magbabayad kay Vergel ang dapat na magbayad.

Ang lahat ng ito’y mapapanood mamayang gabi, bago mag-Marimar, sa GMA-7.

No comments: