By: Dennis Aguilar
“MANA sa ama!” ito ang maiksing kataga na madalas ibansag ngayon sa guwapong aktor na si Richard Gutierrez.
Dahil ibigin ng mga babae noong araw ang kanyang amang si Eddie Gutierrez kung kaya dito raw nagmana si Richard.
Lantad sa mundo ng ka-showbisan ang lovescapade sa chicks nitong si Eddie G, kaya nang umentra naman sa entertainment world ang anak na si Richard, naging lapitin din ito ng chicks.
Marami na ring naging girlfriends si Richard, at pinakahuli ang ramp model na si Georgina Wilson. Dahil daw sa pagiging chickboy nga ni Richard, nag-break sila at nagkanya-kanya na ng landas.
Ngayon, sinasabi ni Richard na zero ang kanyang lovelife. Kasalukuyan daw siyang naghahanap ng ipapalit kay Georgina.
“Pero, siguro, hindi muna malalim na relasyon. Saka na lang ako magko-concentrate sa babae. Alam kong kusang darating iyan sa akin, sana nga’y iyung type ko ang dumating sa akin,” wika ni Richard nang mainterbyu na-min sa presscon ng pang-Valentine movie ng GMA Films at Regal Enterainment na My Best Friend’s Girl Friend na pinagtatambalan nila ni Marian Rivera.
Dagdag pa niya, kung minsan daw, nagbabago ang taste ng isang lalaki sa babae.
“Tulad ko, I want a simple girl but pretty, plus factor din para sa akin ang kabaitan niya. Halimbawa itong si Marian (Rivera), kahit hindi super-tisay na kagaya ng ibang nami-meet ko, maganda siya at attractive sa paningin ko. Ang katulad niya ang hinahanap kong babae ngayon. I like her face, especially her tantalizing eyes at ang dimples niya. Maganda rin ang ugali ni Marian, mabait siya at malambing. Ayoko na nang masyadong maganda dahil hindi ko siya masosolo.”
Sa true lang, maraming girl ang nag-iilusyon kay Richard. Siya nga itong ma-dalas lapitan ng chicks at nagpaparamdam ng kani-lang nararamdaman sa binata. Lantaran na ang pagsasabing type nila si Ri-chard. Kahit nga ang sek-sing si Ehra Madrigal, buong ningning na nagsasabing super-type niya si Chard. Maging si Marian mismo ay nagpahayag din ng pagtatangi sa binata ni Annabel Rama
“Kung katalo ko lang si Richard, aakitin ko talaga siya,” diretsang sabi ni Ehra. “Taglay kasi niya ang lahat ng katangiang hinahanap ng girl sa guy . Kaso lang hindi nga kami talo. Anak siya ng manager kong si Tita Annabelle. Sa kuwadra ni Tita A bawal magtalu-talo. Sinasabi ko lang ang true feelings ko kay Richard.”
Dahil ang tema ng pelikulang My Best Friend’s Girl Friend ay may kinalaman sa arwa ng mga puso, tinanong namin si Marian kung sino sa palagay niya ang perfect guy na ka-date niya sa Valentine’s Day?
“Siyempre si Richard ang gusto kong maka-date sa Valentine,” walang gatol na sagot ng magandang aktres. “Sigurado namang siya ang makakasama ko dahil magsu-showing ang movie namin sa Feb.13 at natural na magpu-promote kami until Valentine’s Day.”
No comments:
Post a Comment