GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, February 25, 2008

Richard, baka pagalitan ni Annabelle pag niligawan si KC
Rey Pumaloy
Abante Online




TINIYAK na ni Richard Gutierrez walang magiging problema sa ina niyang si Annabelle Rama sakaling mauwi sa ligawan ang friendship nila ni KC Concepcion.

Hindi man sabihin ng diretso ni Richard, luma­labas sa kanyang paha­yag na boto ang kanyang ina kay KC.
Malapit rin daw sa family nila ang Mommy ni KC na si Sharon Cuneta at bilib ang nanay ni Richard sa upbringing ng megastar sa anak.

As of this writing, nagkakasya na lang muna si Richard sa magandang samahan nila ni KC bilang magkaibigan.

Sey ni Richard, baka pagalitan siya ng Mommy niya kapag niligawan niya si KC, tapos, mawawalan din siya ng panahon para sa dalaga.

Pinipigil ni Richard ang sarili na ligawan si KC dahil sunud-sunod pa rin ang kanyang trabaho sa GMA 7.

Biniro namin si Richard na baka kaya subsob siya sa trabaho ay para makabili ng panibagong sasakyan.

Dalawa na ang Porsche ni Richard. Ang una niyang luxury car ay sa dati niyang ka-love team na si Angel Locsin niya unang ipinakita. Ang ikalawa ay kay Marian Rivera na katambal niya sa pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend.

Ang ikatlong luxury car nito, kay KC niya unang ipakikita.
Tumawa nang mala­kas si Richard kasunod ang dialogue niyang, “Why not?”.

Speaking of Angel, hindi raw na-offend si Richard sa lumabas na balitang ibinebenta siya ni Angel sa ABS-CBN 2 para lumipat na ito sa nasabing istasyon.

Sabi ni Richard sa mga kausap na press, biro lang ang nasabing banat ni Angel at hindi ito dapat seryosohin.

Wala raw nabago sa pagkakaibigan nila ni Angel kahit magkaiba na sila ng istasyon at may mga pasulput-sulpot na intriga sa kanilang dalawa.
“Hindi ako lilipat. Masaya ako sa GMA 7. I’m happy with my work here. And happy with my bosses.

“They’ve been taking good care of me and my career. Bakit pa ako lili­pat kung masaya naman ako?” sey ni Richard.

No comments: