GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, February 12, 2008

Abante
Jun Nardo


Marian, jologs na jologs!





NAKABIBINGI ang hiyawan, sigawan at tilian ng fans sa loob ng Cinema 10 ng SM Megamall last Sunday na dumalo sa premiere night ng My Bestfriend’s Girlfriend ng Regal Films at GMA Films na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.


Bago ka makapasok sa sinehan, super-dami ng tao sa labas na naghihintay sa pagdating ng mga bida ng nakakikilig at nakatutuwang Valentine movie ng taon.


Mabuti na lang at waiting ang PR boss ng GMA na si Angel Javier, kaya naabutan kami agad ng ticket.


Bago pa man duma­ting sina Marian at Richard, present na sa audience ang mga kapatid niyang sina Raymond at Ruffa. Lalo ngang umi­ngay sa loob nang sabay pumasok sina Richard at Marian na magkaterno sa suot na puti, huh!


Mga 8:30 p.m. na nagsimula ang screening. Naloka lang ang lahat dahil nang ipalabas na ang video ng National Anthem, wala itong audio, huh!


***


Maganda ang kabuuan ng movie. Well-acted at maganda ang screenplay ni Suzette Doctolero. Maayos din ang direksyon ni Mark Reyes.


Kaya tiyak na jackpot ang Regal at GMA sa project nilang ito, huh!


Hindi rin pilit ang mga dramatic scenes at lutang na lutang ang kahusayan ng mga artista.


Bagay na bagay si Richard sa role niya bilang spoiled brat na si Evo.

Guwapo, mayaman, makinis at naangguluhan ang kaguwapuhan niya.


Magaling din siya sa comedy lalo na ‘yung eksenang nasa loob siya ng elevator papunta sa ex-girlfriend niyang ginampanan ni Ehra Madrigal.


Bumagay kay Marian ang role niyang jologs. Sabi nga, jologs na jologs ang dating ni Marian sa movie. Maging sa comedy ay meron siyang timing, huh! Napalutang din ang ganda niya sa mga eksenang romantiko.


Magaling din ang timing ni Charisse Solomon sa comedy. Siya na ang bagong Giselle Sanchez na sexy na, komedyante pa!


At nakakatuwa, may cameo role si Direk Mark sa isang fastfood at ganoon din ang GMA Films president na si Ms. Annette Gozon-Abrogar bilang teacher.


Tama nga si Mother Lily sa pagsasabing better than Richard-Angel Locsin ang Richard-Marian team-up, huh!


Kaya tumabo man sa takilya ang My Bestfriend’s Girlfriend, huwag nang pagtakhan dahil maganda ang pelikula at klik ang chemistry nina Richard at Marian.


***


Mamayang gabi sa Kamandag, matutuklasan na ni Alicia (Eula Valdez) na hindi si Lucero (Mark Anthony Fernadez) ang kanyang anak kundi si Vergel (Richard G). Magsisisi siya sa ginawang pagsaksak kay Vergel.


Sa kampo naman nina Elinor at Lily, matapos ang madramang birthday, mas pipiliin ni Vivian si Elinor kesa kay Lily na pinalalayas na sa bahay.


Ilan lang ‘yan sa madramang tagpo sa Kamandag at marami pang maaaksyong eksenang kagigiliwan ninyo.

No comments: