GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, February 11, 2008

JUN LALIN
Abante Tonite


May fans na nagdududang may inililihim na relasyon sina Richard Gutierrez at Marian Rivera.
Karamihan kasi sa mga nanood ng ‘in the making’ ng My Bestfriend’s Girlfriend noong Sabado sa GMA 7 (bago mag-Eat Bulaga) ay nagduda sa sobrang ka-sweet-an nina Richard at Marian.
Hindi raw kaya inililihim lang ng dalawa ang kanilang relasyon?May mga nagsasabing baka kaya inili-link kina KC Concepcion at Jewel Misch si Richard ay para hindi mabuking ang relasyon nila ni Marian.
Anyway, kapag tinatanong ang dalawa, best of friends lang ang madalas nilang sabihin.
Talaga lang daw naging close sila during the shooting ng My Bestfriend’s Girlfriend kaya sweet na sweet sila kahit hindi nakaharap sa camera.Sa Miyerkules na ang showing ng BFGF.

No comments: