GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, February 18, 2008

Journal Online
February 18, 2008


SA episode ng Kamandag mamayang gabi, kukuhanin ng mga hunter si Ikoy (Rainier Castillo) at pagpaplanuhang ibenta sa perya ang kaibigan ni Vergel/Kamandag.

Tuluy-tuloy naman ang bonding ng mag-inang Vergel (Richard Gutierrez) at si Alicia (Eula Valdez). Si Alicia lang daw ang makasasagot sa tanong kung nasaan na ang anak ni Ragona (Sunshine Dizon) ngunit ’di na raw siya masasagot nito.

Kaya, aaminin na ni Kuran (Francine Prieto) na nakatakas at buhay pa si Alicia at ito ay nasa ibabaw. Agad-agad itong ipahahanap ni Haring Gulag (Zoren Legaspi).

Makikita naman ni Jenny (Jewel Mische) si Talim (Mark Anthony Fernandez) at ikagugulat nito ang pagta-transform ng binata sa pagiging Lucero.

Samantala, magugulat si Ditas (Ehra Madrigal) dahil ang boss na sinasabi ng mga tauhan nito’y si Abdon (Ariel Rivera) pala.

Masa-shock din si Abdon nang makita na magiging taong ahas si Ditas. Ito na ngayon ang gagamitin niya sa kanyang kasamaan.

Abangan ang lahat ng iyan sa pagpapatuloy ang maaksyong mga tagpo sa nangungunang telefantasyang Kamandag sa GMA-7, bago mag-Marimar.

No comments: