Abante Tonite
Kasabay kasi ng thanksgiving/victory party ng BFGF ang pictorial ni Marian para sa Dyesebel.
Tumakas sandali si Marian sa pictorial ng Dyesebel, kaya nakapunta siya nang 8:30 PM sa Imperial Palace.
Tuwang-tuwa si Richard sa pagdating ni Marian at panay pa ang bulungan nila, huh!
Pagkatapos ng halos isang oras, nagkayayaan na ang grupo (kasama sina JC de Vera, Paolo Paraiso, Bubbles Paraiso, Raymond Gutierrez) na gumimik. Magse-celebrate daw ang magkakaedad.
Eh kailangan daw bumalik ni Marian sa pictorial, kaya nag-dialogue siya na five minutes lang siya sa gimmick ng grupo, pero ayaw pumayag ni Richard at nagkulitan na sila.
Sabay-sabay rin silang umalis at nakibalita na lang ako kung saan sila nagpunta.
Tumuloy sila sa Centerstage sa Tomas Morato Ave., QC at sumunod doon si Ehra Madrigal.
Kami nina Mother Lily, Annabelle Rama, Alfie Lorenzo at Popoy Caritativo ay naiwan sa Imperial Palace at nagkuwentuhan.
Almost midnight na kami natapos at masayang ibinalita ni Mother Lily na that day (Linggo) ay more than P20M ang kinita ng BFGF
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jojo Gabinte
Abante Online
Isang Thanksgiving Mass ang idinaos sa Imperial Palace Hotel noong Linggo nang gabi para sa box-office success ng My Bestfriend’s Girlfriend.
Dumalo sa misa ng pasasalamat ang cast ng pelikula sa pangunguna ni Richard Gutierrez, JC de Vera, JC Cuadrado, Charizze Solomon at ang direktor na si Mark Reyes.
Naroroon din sina Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment Inc. at Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films.
Pinag-uusapan ng dalawang film producer na lalong lumakas sa takilya ang My BFGF noong weekend.
Richard, Valentine Box-Office King!
Alfie Lorenzo
UHUM, sana may award-giving body na magdadagdag ng bagong kategorya sa mga pinamumudmod nilang mga tropeo, for sale man o giveaways lang - para sa Valentine Box-Office King na kumpirmado na talagang walk-away winner itong si Richard Gutierrez, dahil apat na beses na nga na movie niya na itinatanghal sa mismong Araw ng mga Puso, ang siyang nanguna sa takilya!
May ibang artista ba, babae man o lalake (o nagpapanggap lang na lalakwe!) ang nakahawak na ng rekord na ‘yan ng kakambal ni Raymond Gutierrez?
Uhum, kung sa ibang kumpanya lang ginawa ni Richard Gutierrez ang apat na pelikulang nagluklok sa kanya bilang top-rater pa ng GMA-7 ay siguradong uulan na ng confetti (na mas madami pa sa isinasabog sa Makati circle) at sari-saring papuri, sandamakmak na write-ups and hallelujah at lalabas sa mahigit isang dosenang TV shows para ipagyabang ang achievements!
Pero bakit quiet lang ang GMA Films at Regal Films na siyang nagsosyo sa puhunan at naghati sa tubo? Scared kaya sa yabang ng kalaban?
Napatunayan na ngayon na hindi artificial lang ang tagumpay ni Richard Gutierrez. He was but a “nobody” na ginawang bida sa “Let The Love Begin” kapareha ng isa pa ring “nobody” in Angel Locsin at itinapat nila ang showing ng movie na ‘yan sa Valentine’s Day presentation ng “Dream Boy” starring ang subok nang Box-Office attraction na si Piolo Pascual na relaxed na relaxed during his promo period for the movie na kuntento at tila siguradung-sigurado na tatalunan ng milya-milya sa takilya itong Richard-Angel starrer.
Kasi naman kapag si Judy Ann Santos ang kapareha ni Piolo Pascual ay hindi bumababa (repeat ha, hindi bumababa!) sa 100 million pesos ang box-office returns ng alinmang movie nila.
Kaya sigurado ang papa ko na mailalampaso ng “Dream Boy” ang “Let The Love Begin”.
But as I have said, written and brag about as always, kinabahan kami sa maaring maging resulta ng labanan sa takilya. Being a newcomer in the game, Richard Gutierrez has nothing to lose.
And Piolo Pascual has his title at stake. At kagaya nga ng pinangambahan ko na palagi namang nagkakatutoo - nagpalitan ng title ang dalawang nagsalpukang pelikula sa takilya ng Valentine’s Day.
Kesehodang Araw ng mga Puso ‘yun (na sadya sigurong ginawang Araw ng mga Kapuso?), Richard’s “Let The Love Begin” ay naging “Let The Fight Begin” at ang Dream Boy ng papa ko ay naging “nightmare”. Anoh, naging horror? Yes po, horror of horrors! Atras ang papa ko bahag ang buntot!
Mula noon ay iniwasan na ng Star Cinema na tapatan ang anumang Richard Gutierrez movie, basta on a Valentine playdate. Kita niyo naman at Feb. 27 na ang Sam-bilog-bilog-lumba-lumba movie na ‘yan na pagkaganda-ganda ang chemistry ng mga bida: Sam Milby-Kristine Hermosa? Perfect! Sam Milby - Toni Gonzaga? Proven!
Kahit sinabi ng mommy ni Toni Gonzaga na pang-promo lang ang kuno-kuno eh “MU” nina Sam at Toni. Salamat daw Mommy Pinty, sabi ni Jun Lozada for telling the truth, also!
Ewan kung sino ang nagmamarunong na nag-isip na ang nagdadala lang sa tambalan nina Richard at Angel ay si Angel Locsin, kaya “kinalas” si Angel kay Richard at nagawan ng paraan na mag-ober da bakod ang Angel nilang inakalang makapagliligtas kay Piolo sa tiyak na pagda-dive down sa popularity niya.
Richard minus Angel? Wala ‘yan! Lulubog na ‘yan! Wala nang ka-partner na sikat! Wala nang hihila sa kanya papataas!
Mga bintang na nag-boomerang at tumama ba sa pader! Tumama sa dalawang tao. Hulaan niyo na lang kung sino at kanino tumama?
It seems sadyang takot kay Richard Gutierrez ang kung-sinuman. May binalak daw (daw lang, ha!) na pang-Valentine’s Day movie for Angel Locsin and Piolo Pascual. Pero nu’ng kumalat naman ang balita na si Richard Gutierrez ay may pang-Valentine’s Day movie uli with no less than Judy Ann Santos ang kapareha - biglang nawala ang balak ng Star Cinema na Piolo-Angel movie na pang-Valentine’s Day.
Pinabulaanan naman ng Star Cinema na may binalak silang movie for Piolo and Angel na pang-Valentines, noh! Oh yeah? Tell that to the marines? No - tell that to the senate!
Malakas ang tambalang Piolo Pascual at Angel Locsin, ha? Well, hindi movie ang inunang gawin kundi isang teleserye na “Lobo”.
At ano ang resulta, toprater ba? Hanggang sa araw na ito hindi pa rin makagulapay sa ratings ang “Lobo” na ‘yan. Hindi pa nga nakakalipad eh pumutok na! As of Thursday, February 14, 2008 ang ratings ng “Lobo” ay mababang 22.6% lang as compared sa nag-iisang Richard Gutierrez lang na nawalan ng Angel Locsin na ka-partner, ang “Kamandag” na is on (Sundan sa p. 10) a high 37.3%. Ang tindi talaga ng kamandag ng kambal nina Annabelle at Eddie G., huh!
Pati nga ang “Showbiz Central” ni Raymond Gutierrez ay umaariba rin versus kalabang ate Ruffa nila, huh!
Now where does this argument brings us? To the fact na mapa-pelikula man o mapa-teleserye eh, si Richard Gutierrez na ngayon ang current on top!
Talung-talo na nga niya si Piolo Pascual na ang teleserye ay mababa ang ratings at mas mataas pa ang ratings ng mga unknown kids sa “Kung Fu Kids”.
And pitted against Richard, hindi pa tinalo ni Piolo ang alinmang gross ng movies ni Richard na consistent box-office champion for four consecutive Valentine’s Day.
Piolo Pascual had four consecutive box-office champions too – but that is mga movies lang niya with Judy Ann Santos! Meaning, dinadala lang siya, binibitbit, at pasan-pasan lang ni Juday!
Eh, kay Richard Gutierrez? Siya mismo ang nagdadala sa sarili niya, no one else!
Richard’s “Kamandag” is 37.3% ang ratings at ‘yung kay Marian Rivera na “Marimar” ay unprecedented 40.5% making Richard and Marian the topraters of GMA-7.
Kaya katakataka ba kung ngayong pinagsama ang dalawa sa isang pelikula, itong Valentine’s presentation na “My Bestfriend’s Girlfriend” ay runaway winner sa takilya!
Kumpirmadong ang “My Bestfriend’s Girlfriend” ay ang pinakamalakas na Valentine movie ng GMA Films na co-produced ng Regal Films.
Imabot na sa 50 milyon ang kinita nito sa apat na araw na pagtatanghal pa lang. Hindi padded ‘yan. Unlike sa ibang film outfits na ‘yang 50 million na ‘yan ay gagawin ng 80 million kundi man 100 million agad like the Bea-John Lloyd movie (na tatalakayin namin sa Abante Tonite, basahin mamaya!).
Nagpasalamat na nga ang magkasosyong GMA Films at Regal Films sa isang victory party con-misa nung Linggo at nag-share sila ng blessings nila sa mga reporters na tumulong sa kanila sa publisidad. Unlike (again!) sa ibang producers na sila-sila lang ang nasa victory party kapag di nila type ang artistang kumita ng pelikula sa takilya - tama ba Roxy L.?
Hindi lang sina Richard at Marian ang may napatunayan dito kundi pati na ang direktor nitong si Mark Reyes. Mark directed the MMFFP entry of Bong Revilla na “Resiklo” which won the “best picture” award which should have been his uncle’s Joey Reyes “best picture” “best director” and “topgrosser award” for “Sakal, Sakali, Saklolo”.
Pero tulad sa mga senate investigation na nakakahilo, palibhasa politicians ang mga nagpapatakbo sa MMFFP ay nanalo ngang “best picture” ang dinirek ni Mark Reyes, hindi naman siya ang “best director” kundi ‘yung nagdirek ng movie na hindi naman nanalong “best picture”, noh bah?
But this time, Mark Reyes has proven na puwede rin naman pala siyang magdirek ng movie na kikita sa takilya. “My Bestfriend’s Firlfriend” is a non-traditional type of love story, a tricky romantic-comedy. Now, who can beat that for the moment?
Congrats to Richard and Marian, at patuloy niyong ikalat ang inyong mga kamandag, ha!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Rey Pumaloy
MASAYANG-MASAYA si Richard Gutierrez dahil humakot ng pera sa takilya ang unang tambalan nila ni Marian Rivera, ang My Bestfriend’s Girlfriend.
Sa thanksgiving party na ibinigay ng Regal Entertainment at GMA Films last Sunday para sa lahat ng mga nakatulong sa tagumpay ng pelikula, kitang-kita ang mga ngiti sa mukha ni Richard.
Sabi nga ng entertainment writers, puwedeng-puwede na si Richard na tawaging Box Office King.
“Ano ba ‘yung title na ‘yon? May korona ba `yon? He! He! He! He!
“Well, masaya na ako kung anong meron ako ngayon. Magustuhan lang ng mga tao kung ano ang nai-offer ko sa kanila, para na rin akong may title noon,” sabi ni Richard.
Ayaw angkinin ni Richard ang kredito sa tagumpay ng pelikula nila ni Marian. Sabi nga, kahit noong si Angel Locsin ang kapareha niya, malakas na talaga ang mga pelikula niya.
“Hindi ko naman puwedeng angkinin ang credit. Unfair ‘yon. Kami ni Angel noon, team talaga kami,” pagtutol ni Richard.
Sa ngayon, hinihintay naman ni Richard ang pelikulang pagsasamahan nila ni KC Concepcion.
“Kung mangyayari ‘yon, it’s a dream project for me. Malaking honor `yon kung makakasama ko si KC.
“Aside from she’s stunningly beautiful, she’s also intelligent and talented.
She’s a great person inside and out.
“Kapag nangyari ‘yon, malaking bagay ‘yon, dahil malay natin, doon matapos ang network war, ‘di ba?
“I wish mangyari ‘yon. Sino ba tatanggi roon?” nakangiting sambit ni Richard.
Anyway, pinanood ni Richard ang Maalaala Mo Kaya episode sa ABS-CBN na si KC ang bida. Kuwento pa ni Richard, nasa taping siya ng Kamandag nu’ng mga oras na `yon, pero hindi raw niya pinalagpas ang pagkakataon na mapanood si KC.
“Magaling siya! For a first timer sa TV, magaling siya.
“Actually, nag-promise ako sa kanya na panonoorin ko ‘yun. Hindi naman siya nag-insist, dahil ako mismo ang nagsabi na hindi ko palalagpasin `yon.”
Baka naman na-delay ang taping ng Kamandag dahil sa panonood niya kay KC?
“Hindi naman. Nagkataon na wala akong eksenang kinukunan noon. So, nagkaroon talaga ako ng chance na panoorin `yon,” sagot ni Richard.
Sa totoo lang, kapansin-pansin ang pagu-glow ng mukha ni Richard kapag si KC ang pinag-uusapan. At inamin din ni Richard na naging bahagi si KC ng buhay niya nitong nakalipas na Valentine’s Day.
Bagama’t medyo nahihiyang magkuwento, napilit namin si Richard na sabihin kung ano ang ginawa niya noong Feb. 14.
Sabi niya, nakipaglaro raw muna siya ng basketball sa mga kapatid niya, at kapagkuwan ay nagsama-sama sila ng pamilya niya sa isang dinner.
Gusto sanang itigil na ni Richard ang pagkukuwento sa mga ginawa niya noong Feb. 14, pero hindi pumayag ang mga manunulat, at kinulit siya nang kinulit.
“Basta, I gave her something at natuwa naman siya. Huwag na lang ninyong itanong kung paano ko ibinigay, sa akin na lang ‘yon.
“Pero natuwa at nagustuhan naman niya ‘yung ibinigay ko sa kanya,” sabi ni Richard.
Dugtong ni Richard, si KC na lang daw ang tanungin kung ano ang ibinigay niyang regalo rito.
“Ang pangit naman kung sa akin manggaling. Kung sasabihin niya kung ano ‘yon, okey lang sa akin. Basta, mas gusto ko na sa kanya manggaling,” nakangiting say ni Richard.
Anyway, friends lang daw sila ni KC. At masaya na raw si Richard na ganito ang sitwasyon nila ng anak ni Sharon Cuneta.
Teka lang, bakit ba ayaw pa niyang ligawan si KC?
“Darating na lang tayo roon. Kapag dumating ‘yung time na ‘yon, malalaman naman ninyong lahat.
“Proper timing lang. Kasi kagagaling ko lang from a relationship at ganu’n din naman yata siya.
“So, step by step lang. Hindi puwedeng madaliin. Isa pa, busy pa ako sa work ko ngayon, at ganu’n din siya.
“So, kung anong meron kami ngayon, masaya na ako roon,” patuloy na lahad ni Richard.
Anyway, parami nang parami ang mga sinehan ng My Bestfriend’s Girlfriend. Patuloy nga itong dinadagsa ng mga fans.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
JUN NARDOAbante Online
Fifty million pesos ang kabuuang kinita ng My Bestfriend’s Girlfriend movie nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na pinalabas noong Feb. 13.
Sabi nga, ito na ang pinakamalakas sa lahat ng Valentine movies na produced ng GMA Films at co-produced ng Regal Films.
Masayang-masaya nga ang lahat ng stars, production staff, producer at mga taong involved sa movie sa victory party na ibinigay ng GMA at Regal sa Imperial Palace Hotel last Sunday.
Patunay lang na si Richard ang Valentine Box-Office King ng bansa at malaking tulong din ang pagsasama nila ni Marian sa movie.
Ayon sa president ng GMA na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, overwhelmed sila sa success ng movie at sana, “the good word of mouth continues so that more and more people will get to enjoy the movie!”
Sabi naman ng Regal Entertainment boss na si Roselle Monteverde-Teo, “This movie is the biggest box-office team up!”
Dagdag naman ni Joey R. Abacan na supervising producer ng GMA Films, masaya siya dahil hindi siya nagkamali sa pagsasabing best Valentine movie so far nila ang MBFGF. Kinumpirma kasi ito ng pagtabo sa takilya ng pelikula.
Present sa victory party na ‘yon sina Mother Lily, mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, twin brother Richard and Raymond, JC de Vera, Charise Solomon, at Paolo Paraiso.
After ng MBFGF, siyempre, ang Kamandag muna ang konsentrasyon ni Richard lalo na at patuloy itong pumapalo sa ratings.
No comments:
Post a Comment