GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, February 13, 2008

BFGF malakas ang hatak sa fans



Mouthful

KUNG pagbabasehan ang "pandemonium" ng masang crowd na sumaksi sa nakakabaliw-sa-rami-ng-utaw na premiere night ng My Bestfriend's Girlfriend nina Marian Rivera at Richard Gutierrez sa SM Megamall nu'ng Linggo, sure fire big hit na ang nasabing pelikula.

Ilang taon na kami sa showbiz, pero ngayon lang kami uli naka-witness nang personal na super-daming taong dumagsa sa premiere night ng isang local film, walang eksaherasyon.

No doubt, and you really can't argue with success, ramdam na ramdam na nga ang kasikatan nina Richard at Marian.

Kung ang ibang movies na nagpi-premiere night sa Megamall ay may mga tao lang na nag-aabang mula sa ticket booths ng cinemas 7-10 papasok sa loob, ang mga utaw na nag-troop sa Megamall ay nagsimula pa lang du'n sa may escalator at puno ang buong lobby ng cinema level, huh!

Kinilabutan talaga kami, and nasabi nga na-ming buhay na buhay pa pala ang spirit of movie fans sa henerasyon ngayon, with the huge success of My Bestfriend's Girl Friend na Valentine romantic movie from GMA Films and Regal Entertainment.

* * *

SA premiere night pa rin ng BFGF, maliban sa buong cast na dinaluhan rin nina JC de Vera, Paolo Paraiso, etc., sumuporta rin si Jolina Magdangal at iba pang Kapuso stars.

Very celebrity ang aura ng ang ganda-dandang si Ruffa Gutierrez sa pagrampa nito on the red carpet, and in fairness, may mga tumitili pa sa panganay nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, huh.

Pero nang nagga-grand entrance na ang mga bidang sina Richard at Marian, hindi na magkamayaw ang napakaraming fans, maka-take lang ng glimpse ng dalawa, in person, ay masaya na sila.

Wish lang namin ay magkaroon ng maintenance sa box office ang My Bestfriend's Girl Friend hindi tulad ng ibang past Valentine movies na "ningas kugon" or sa first week lang malakas sa takilya, pero lumaylay dahil hindi naka-relate ang masa sa istorya.

No comments: