Abante Online
Well, hindi man ako invited sa A Handsome Journey ng kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez na ginanap noong January 29 sa One Esplanade, write ko pa rin ito.
Dahil paborito ko naman ang kambal, panonoorin ko rin ito ngayong gabi sa SNBO (Sunday Night Box Office) sa GMA, pagkatapos ng Ful Haus nina Vic Sotto at Pia Guanio.
Anyway, ang dalawang oras na palabas na ito ay magpapakita kung paano nagsimula si Richard bilang commercial model nu’ng bata pa siya, hanggang sa maging teen idol siya sa Click, at ngayon ay namamayagpag na actor na. Ilan sa mga pelikulang nagawa na niya ay ang Let the Love Begin, I Will Always Love You, The Promise, Sigaw, at ngayon nga ay ang My Bestfriend’s Girlfriend nila ni Marian Rivera.
Nagbida na rin siya sa mga fantaserye ng Siyete na tulad ng Mulawin, Captain Barbell, Sugo, Lupin at Kamandag.
Bongga ang A Handsome Journey, dahil ipakikita rin ni Richard ang husay niya bilang dancer, kasama ang mga babae sa buhay niya, tulad nina Maxene Magalona, Jewel Mische, at Ehra Madrigal.
At hindi rin patatalbog ang dance number niana Isabel Oli, Bianca King, Chynna Ortaleza, at Rhian Ramos.
At mawawala ba naman ang mga kapuso niya na sina Richard Gomez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs at Joey de Leon? Siyempre, hindi, `no!
Kung matagumpay na artista si Richard, hindi rin patatalo bilang TV host ang utol niyang si Raymond. Aba, kapuri-puri rin ang performance niya sa mga show niyang Showbiz Central, Living It Up, at ngayon pa lang ay sinasabi ko na agad na babagay sa kanya ang paghu-host ng Pinoy Idol.
Isang kapuri-puri rin sa Gutierrez family ay ang support nila sa isa’t isa.
Kung may iba riyang pamilya na parang walang pakialam sa kanilang mga kapatid at mga magulang, ibang-iba ang pamilya Gutierrez.
Kitang-kita nga ang pagkakaisa ng mga anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ha! At kahit hindi puwede si Ruffa na magpakita sa kahit anong show ng GMA, appear pa rin siya, bilang suporta sa kanyang kapatid.
Siyempre, present din ang iba pa nilang utol na sina Ritchie Paul, Elvis, at ang half brother nilang si Ramon Christopher.
Dumating din sina Mother Lily Monteverde, German Moreno, Boots Anson-Roa, Tim Yap, Donnie Ramirez, Joyce Jimenez, JC de Vera at Bubbles Paraiso, pati na si Annette Gozon-Abrogar, at marami pang iba.
Happy si Richard sa party na inorganisa ng GMA Executives na sina Marivin Arayata, Lilybeth Rasonable, Bang Arespacochaga, at Redgie Magno.
Wish lang namin kay Richard, kahit hindi kami masyadong nagkikita, sana ay huwag muna siyang mag-asawa, `no! Naku, huwag niyang tularan ang ibang artista riyan na inuuna pa ang kati ng katawan nila, kesa magtrabaho.
Sige nga, Richard, patunayan mo sa kanila na mas mahalaga sa iyo ang trabaho mo, at hindi ka katulad ng iba riyan na walang utak, at nagpapabaya sa biyaya na ibinibigay sa kanila ng mga tao sa paligid nila, at ng Diyos.
1 comment:
You'll want to add a facebook button to your blog. I just bookmarked this article, although I had to complete it manually. Simply my $.02 :)
- Robson
Post a Comment