GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, February 5, 2008

JUN LALIN
Abante Tonite

Natawa ako sa comment ng isang kaibigan tungkol sa plugging sa GMA 7 ng My Funny Valentine show na prodyus ni Annabelle Rama under Royale ERA Entertainment.
Obvious daw na affected ng ‘war of the networks’ ang plugging ng pre-Valentine dinner show nina Ogie Alcasid, Ai Ai de las Alas, Verni Varga at Diana Zubiri.
Sa plugging kasi ng Siyete, hindi kasama sa performers na binanggit si Ai Ai.Ewan ko kung aware si Bisaya roon, pero deadma na lang siguro siya dahil bising-busy siya nga­yon sa pagbebenta ng tickets para sa show na ‘yon.
Sa Biyernes (Pebrero 8) na ang My Funny Valentine sa Crowne Plaza Hotel at may ilang tig-P3,500 tickets pang ibinebenta si Bisaya, kaya mas gusto niyang i-remind ang lahat ng gusto pang bumili na tumawag lang sa 727-2534 or 36 o kaya ay sa cellphone ni Jimmy A­guilera, 0915-597-8515.
Masaya nga pala si Bisaya dahil maganda ang feedback sa TV special ng anak niyang si Richard Gutierrez na ipinalabas sa Siyete noong Linggo.
Naniniwala si Bisaya na napakalakas ng TV special ng kanyang anak dahil napakaraming nagtawagan sa kanya.
Ganoon din ang paniniwala ko dahil ang dami ring nag-text sa akin para ikuwentong ipinakita ako sa TV special ni Richard.
Bukod sa TV special, napakalakas pa rin ng Kamandag at nakakuha ito ng 37.1% ratings at ang katapat na show ay 25.4% lang ang ratings na nakuha.

No comments: